• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Joshua Garcia na marami siyang pagkukulang noon sa kanyang talento kaya naman inisip niyang pagbutihin pa ito sa tulong ng batikang aktor na si Pen Medina.

Joshua Garcia, nag-workshop kay Pen Medina para gumaling sa pag-arte

Aminado si Joshua Garcia na marami siyang pagkukulang noon sa kanyang talento kaya naman inisip niyang pagbutihin pa ito sa tulong ng batikang aktor na si Pen Medina.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/19/2021 12:03 PM
Joshua Garcia, nag-workshop kay Pen Medina para gumaling sa pag-arte
Photo credit: @garciajoshuae Instagram and ABS-CBN Entertainment

Sa kanyang interview sa Pop Cinema, inamin ni Joshua Garcia na utang na loob niya sa batikang aktor na si Pen Medina ang acting skills na mayroon siya ngayon. 

Kwento ng Kapamilya star, kumuha siya ng workshop kay Pen isang taon matapos niyang maging housemate sa “Pinoy Big Brother.” Aminado si Joshua na noong unang taon niya sa showbiz, kakaunti lamang ang kanyang projects kaya inisip niyang iimprove ang sarili. 

Nagsimula 'yung pagmamahal ko sa acting simula noong isang taon na ko sa showbiz. Dumaan kasi ako sa parang walang trabahong binibigay sa 'kin. Napapalitan ako ng ibang artists. Ginawa ko nun, nagpa-workshop ako kay Tito Pen Medina. Ako talaga nagbayad. Kahit wala pa kong pera nun masyado, nagbayad ako,” sabi ni Joshua.  

READ: Joshua Garcia marks 7 years in show business

Isang araw lang daw ang naging workshop pero namangha siya sa itinuro at ipinakita ng veteran actor. 

Gumawa siya ng scenes sakin, nagbilang lang siya 1-10 tapos pagdating ng 10 umiiyak na siya bigla. Ang galing. Sobrang solid siya magturo,” kwento pa ng young actor. 

Ito daw ang nakatulong sa kanyang makuha ang papel sa “Barcelona: A Love Untold”, na pinag bidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at idinirek ni Olivia Lamasan noong 2016.  

Simula noon, naging parte na din si Joshua ng malalaking proyekto tulad ng “The Greatest Love.” Ito naman ang naging daan para makuha niya ang starring role sa “The Good Son.” Sinundan pa ito ng TV series na “The Killer Bride” kung saan nakasama niya sina Janella Salvador at Maja Salvador.  

“Sa umpisa lang talaga mahirap, kasi syempre hindi ko talaga gusto ang acting before. 'Yun 'yung example na minahal ko lang talaga siya kaya naging para sa 'kin,” aniya. 

2014 nang unang sumabak sa showbiz si Joshua sa pamamagitan ng “PBB: All In.” 

Sa ngayon ay naghahanda si Joshua para sa kanyang dalawang pelikula -- una “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan” sa direksyon ng batikang direktor na si Chito Roño at kasunod nito ang Philippine adaptation ng South Korean movie na “Keys to the Heart.” 

READ: Joshua Garcia joins cast of new ABS-CBN series ‘Viral’

Busy din si Joshua sa kanyang upcoming teleserye na "Viral," kung saan makakasama niya sina Charlie Dizon, Jake Cuenca at Dimples Romana.