• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi maitago ni Kyle Echarri ang ngiti nang makatanggap ng sorpresang video message mula kay Francine Diaz.

Francine Diaz, may mensahe para sa kaarawan ni Kyle Echarri

Hindi maitago ni Kyle Echarri ang ngiti nang makatanggap ng sorpresang video message mula kay Francine Diaz.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

06/18/2021 04:35 PM
Francine Diaz, may mensahe para sa kaarawan ni Kyle Echarri
Photo Credit: @francinesdiaz and @kyleecharri Instagram

Ibinahagi ng aktres na si Francine Diaz ang kanyang mensahe para sa kaarawan ng onscreen partner na si Kyle Echarri.

Nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-18 na  kaarawan ang aktor itong darating na Linggo, Hunyo 20.

Sa Magandang Buhay nitong Huwebes, Hunyo 17, hindi maitago ni Kyle ang ngiti nang makatanggap ng sorpresang video message mula kay Francine. 


"Kyle! Happy 18th birthday sa 'yo. Grabe, ang tanda tanda mo na talaga. Wish ko sa 'yo para sa birthday mo syempre palagi kang healthy, and hindi mawala yung happiness na meron ka ngayon. Dahil alam kong masaya ka, at sana mag-stay 'yun sa 'yo forever dahil ang ganda ganda tingnan sa 'yo ng happiness na 'yan, Kyle," sabi ng akres. 

"Alam kong ilang beses mo nang narinig 'to sa 'kin. Pero parang 'di naman ako magsasawang sabihin 'to sa 'yo dahil nakaka-proud ka naman talaga sa lahat ng mga ginagawa mo, and of course sa lahat ng maa-achieve mo sa buhay. Know that I'm always proud of you. See you soon, Bala! Happy happy birthday sa 'yo, and God bless you more," dagdag niya.

Taong 2018 nang nagsimula ang pagkakaibigan nina Kyle at Francine nang magkatambal sila sa sikat na seryeng Kadenang Ginto.

Magkasama rin ang dalawa sa serye ng ABS-CBN na Huwag Kang Mangamba, na pinagbibidahan nina Francine at Andrea Brillantes, at kung saan tampok din ang isa pang miyembro ng Gold Squad na si Seth Fedelin.

Nang matanong kung ano ang kwento sa likod ng tawagan nila ni Francine, paliwanag ni Kyle: "Ang nangyari po kasi, isang gabi tinanong ako ni Francine, gusto niya mag-ano kami ng nickname. So 'di ko alam kung anong unang sinabi ko, pero sabi niya sa 'kin, dahil ang weird ng sinabi ko, ''Bala ka diyan.' Sabi ko, 'Ah, Bala na lang.' Sabi niya, 'Bakit?' So 'yun, napaisip ako kung sasabihin ko na 'Bala ka diyan' yung naisip ko, magagalit. So I thought for five seconds. Sabi ko, Bala... ammo. Kahit saan ka pumunta kailangan mong dalhin yung ammo mo. So 'yun, Bala."

BASAHIN: Francine Diaz shares how Kyle Echarri became her best friend

Sa programa, ibinahagi rin ni Kyle ang kanyang hiling para sa kanyang kaarawan.

"Ang pinaka-wish ko po talaga, I think it's everyone's wish, sana makabalik na po tayo lahat, Pilipinas, sa normal. Sana maging ligtas na po tayo. Hindi naman sa nagiging corny ako pero kailangan po talaga natin sumunod sa protocols, 'yung mga kailangan nating gawin. Magpabakuna na po tayong lahat mga Pilipino. Also, I wish for a better 2021 and a better 2022," aniya.

"Sa mga mag-e-18 kagaya ko, sa mga magiging legal na, please mag-register na kayo para bumoto. It's actually a fun fact, there are more millennials in the Philippines than actual registered voters. So kung lahat tayong mga millennial ay mag-register ay kaya natin ito. I am really excited for 2022 and sana kayo rin bumoto na kayo, magpa-register na kayo," sabi pa niya.

Sa kanyang ika-18 kaarawan sa Hunyo 20 nakatakdang ganapin ang birthday concert ni Kyle na pinamagatang "Kyle Digital Birthday Fan Con" live sa kanyang Kumu channel.