• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang dating konsehal, hindi na bago sa larangan ng pulitika ang aktres na si Aiko Melendez.

Aiko Melendez sasabak ulit sa pulitika, tatakbong kongresista sa 2022

Isang dating konsehal, hindi na bago sa larangan ng pulitika ang aktres na si Aiko Melendez.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/18/2021 05:15 PM
Aiko Melendez sasabak ulit sa pulitika, tatakbong kongresista sa 2022
Photo credit: @aikomelendez IG

Matapos mag-trending dahil sa kanyang pagpapayat ay inanunsyo na ni Aiko Melendez na opisyal na siyang tatakbo sa darating na eleksyon at kakandidato bilang kongresista ng 5th district ng Quezon City. 

Ani Aiko, wala siyang alinlangan na pumasok muli sa pulitika at public service. Dati nang naging konsehal ng Quezon City ang aktres at naka-tatlong termino din ito.

“Mas marami talagang nag-uudyok sa akin na tumakbo bilang kongresista. Kasi nga 9 years akong naging konsehal, na-experience ko na 'yon, gusto ko namang mag-level up sa public service. I’ve always been behind the scenes, I want to go back to that direction,” sabi niya sa panayam ng ABS-CBN News.  


Handler ni Aiko sa kanyang pagtakbo ang kanyang boyfriend na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun. 

Nilinaw din ni Aiko na hindi sila magkakabanggaan ni Arjo Atayde, at sinabi sa kanya ng ina nito at aktres na si Sylvia Sanchez, na sa first district ng Quezon City kakandidato ang aktor. 

Samantala, iniisip pa din daw ni Aiko at ng boyfriend niya kung sila ay magpapakasal. 

Dalawang beses nang ikinasal si Aiko—una ay sa aktor na si Jomari Yllana, at sumunod ay sa model na si Martin Jickain. Annulled nang pareho ang kasal ni Aiko sa dalawa at meron siyang dalawang anak, sina Andre at Marthena.

Sinabi rin ng aktres na may parating siyang bagong pelikula ang Huwag Kang Lalabas sa direksyon ni Adolf Alix. Huling napanood sa pelikula si Aiko sa 2019 Metro Manila Film Fest entry na Rainbow’s Sunset kung saan nanalo siya ng Best Supporting Actress award.