• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Awra Briguela ang dahilan sa likod ng kanyang mahabang pananahimik sa social media.

PANOORIN: Awra Briguela, binasag ang pananahimik sa social media

Ibinahagi ni Awra Briguela ang dahilan sa likod ng kanyang mahabang pananahimik sa social media.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/17/2021 11:12 AM
PANOORIN: Awra Briguela, binasag ang pananahimik sa social media
Screenshot from Aiko Melendez YouTube Channel

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na nakaranas na ng iba’t-ibang klase ng pamba-bash sa social media ang aktor na si Awra Briguela. Dahil dito, pinili niyang pansamanatalang manahimik. 

Sa panayam ni Awra sa kapwa aktor at vlogger na si Aiko Melendez, inihayag nito ang estado ng kanyang buhay ngayon. 


It really takes time. Hindi ko masasabi ngayon na I’ve finally moved on, na I’m finally done with everything. Nandito pa rin ako sa point ngayon na naghi-heal,” ani Awra. 

Dito, ibinahagi din ni Awra ang dahilan ng kanyang pananahimik sa social media. 

“Kaya ako nanahimik ng matagal na panahon kasi bukod sa kailangan kong ipakita na considerate and understanding ako na tao, kailangan ko ring ipakita sa kanila na naiintindihan ko sila kesa sa naiintindihan nila ako,” saad ni Awra. 

Ani pa ni Awra, mas pinili na lang niya na umiwas kaysa kung ano pa umano ang masabi niya maaaring makapagdulot ng mas malaking problema. 

“‘Yung time po kasi na nanahimik ako … when you are triggered and mad, lahat masasabi mo eh. Like siyempre, emotional ka, nanginginig ka pa. ‘Yung eagerness mo para mafeel mo ‘yung satisfaction, ma-express mo ‘yung nararamdaman mo, lahat sasabihin mo,” aniya. 

READ: Awra Briguela apologizes for ‘cultural appropriation’

Aminado naman si Awra na mataas ang tingin niya sa sarili niya noong mga panahong iyon. 

And at that time, I felt like I’m superior. Nag-aagree sila sa akin, lahat sila nasa side ko,” pagbabahagi ni Awra. 

That’s why I’m not scared to post kahit ano’ng ipost ko,” dagdag pa niya. 

Pero sa ‘di kalaunan ay napagtanto umano ng batang komedyante na hindi tama ang kanyang ginagawa ng mga panahong iyon. 

I realized na mali na ‘to. Na even if umagree sila sa akin, pumanig sila sa’kin, ‘yung apoy parang nilalagyan ko lang ng gas. Lumalaki lang ‘yung apoy na walang pinatutunguhan. So, I realized habang tumatagal ang panahon, hindi na tama ‘yun,” saad ni Awra. 

BASAHIN: Awra Briguela sa muling paninira umano ni Buknoy Glamurrr: ‘I was just trying to educate you’

Ibinahagi naman ni Awra ang mga natutunan niya noong mga panahong iyon at sinabing mas maiging kumonsulta sa mga taong dumaan sa problemang gaya ng pinagdaanan niya. 

“Nag natutunan ko po, once na galit ako, triggered ako and may nararamdaman akong hindi maganda, kailangan ko lang huminga, kailangan kong pag-isipang mabuti and especially magtatanong ka sa mga taong napagdaanan na ‘yun para i-guide ka nila,” ani Awra. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Samantala, pinasalamatan naman ni Awra ang kanyang mga magulang pati na si Vice Ganda na aniya’y ginabayan siya patungo sa tamang landas. 

“Kasi ‘yung parents ko, sila ‘yung number one na gusto nila umintindi lang ako ng umintindi and magpatawad ako ng magpatawad. Si Ate Vice naman ‘yung handang ipaglaban ako kung ano ‘yung gusto ko. So, inaantay lang ni Meme kung gusto kong ituloy ‘yung gusto kong mangyari or gusto niyang mag-heal na lang at pabayaan,” saad ni Awra.