• Home
  • Fresh Scoops
  • Nangako si Janine Gutierrez sa amang si Ramon Christopher ‘Monching’ Gutierrez na lagi lamang silang magkakapatid nandiyan para sa kanya.

Janine Gutierrez, may pangako sa amang si Monching Gutierrez

Nangako si Janine Gutierrez sa amang si Ramon Christopher ‘Monching’ Gutierrez na lagi lamang silang magkakapatid nandiyan para sa kanya.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

06/17/2021 09:13 AM
Janine Gutierrez, may pangako sa amang si Monching Gutierrez

"He's the best."

Ganito inilarawan ni Janine Gutierrez at ang kanyang mga kapatid na sina Jessica, Diego, at Max ang kanilang ama na si Ramon Christopher “Monching” Gutierrez.

Sa Magandang Buhay nitong Miyerkules, Hunyo 16, isa-isang inilarawan ng apat na magkakapatid ang kanilang ama.


"Si Papa kasi sobrang ano 'yan eh, sobrang cool, sobrang chill, parang barkada kapag kasama. Tsaka kahit sa mga kaibigan namin, mga barkada namin, never siyang naging nakakatakot or anything," ani Janine.

"Papa is the best," sabi naman ni Max, na pinakabata sa apat. "Basta if you need someone to save you at any time of the day, it will be Papa. Just call him and he'll be there in 20 minutes."

"Actually pwede mo rin siya i-text ng 2 am," dagdag ni Jessica, ang pangalawa sa magkakapatid. "'Papa, I'm hungry.' 20 minutes, may pagkain na sa kama mo. ... He's the best."

Ayon naman kay Diego, na nag-iisang lalaking anak ni Monching, lumaki siyang iniidolo ang kanyang ama.

"Growing up talaga, idol ko si Papa kasi, you know, watching him... kasi he used to be a race car driver. So every weekend nasa Subic kami, Sunday, pinapanood ko siyang mangarera, nakikita ko kung gaano siya ka-happy doing what he's doing. [So] nung bata ako, gusto ko rin maging race car driver," aniya.

"As a father naman, he's just really been there for us ever. No fail, lagi siyang nandyan para sa amin. ... So kapag may future family na rin ako, gusto ko kahit half lang ng effort ni Papa sa amin, pwede na, kasi grabe talaga yung effort niya para sa amin," dagdag pa niya.

Para naman kay Monching, pinalad siya na mabigyan ng mga mababait, ma-respeto, at mapagbigay na mga anak. 

"'Yang mga anak ko talagang very, very mababait 'yan. Very respectful. Very generous, yung oras nila, yung mga kita nila, pinamamahagi nila sa pamilya. Ibig kong sabihin, very ano sila, talagang mababait sila," ani Monching.

BASAHIN: WATCH: Janine Gutierrez asks dad Monching Gutierrez if he wants to get married again

Samantala, bilang panganay sa magkakapatid, nangako si Janine sa kanilang ama na palagi lamang silang nandiyan para sa kanya.

"Siyempre promise ko kay Papa na palagi akong nandito para sa kanya. Yung parents kasi namin hindi sila strict eh, parang hinahayaan nila kami, nagtitiwala sila sa mga desisyon namin. And maipapangako ko talaga kay Papa na hindi ko siya idi-disappoint. Sa lahat ng trabaho ko, ginagawa ko, sila talaga yung iniisip ko and yung mga kapatid ko. And na nandito lang kami para sa kanya. And... nakakaiyak nga 'no? My gosh," sabi ng aktres.

"Pero 'yun, mahal na mahal talaga namin si Papa, and binibigay niya talaga lahat sa abot ng kanyang makakaya. Pero napansin ko nga na yung mahalaga pala talaga sa amin is yung nandyan siya, hindi yung mga naibigay niya. So 'yun din yung maibibigay namin sa kanya—na nandito lang kami palagi para sa kanya," dagdag niya.

Hindi naman napigilan ni Monching ang maging emosyonal nang ibinahagi niya ang kanyang pangarap para sa mga anak.

Aniya, "Ako ang pinapangarap ko for them yung abutin nila yung mga pangarap nila. Maabot nila kung ano yung dreams nila. Maging successful sila sa mga trabahong napili nilang gawin.

"Yung sinasabi nila na the best dad ako? Hindi. Sa totoo yung mga anak ko, 'yan ang mga the best. Ano lang ako... All I give them is yung effort, ganun. So 'yun lang. ... Yung oras ko lang para sa kanila, 'yun yung ano eh... Hindi ko man maibigay sa kanila lahat, basta lagi akong nandyan para sa kanila," sabi pa niya.