• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Alex Gonzaga na may ginagampanang tungkulin ang kanyang mga magulang sa pagpapagawa ng kanilang bahay.

Alex Gonzaga, ibinahagi ang mga pinagdaanang pagsubok sa pagpapagawa ng bagong bahay

Ibinahagi ni Alex Gonzaga na may ginagampanang tungkulin ang kanyang mga magulang sa pagpapagawa ng kanilang bahay.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/17/2021 07:16 PM
Alex Gonzaga, ibinahagi ang mga pinagdaanang pagsubok sa pagpapagawa ng bagong bahay
Photo credit: @cathygonzaga IG

Ikinuwento ng vlogger at TV host na si Alex Gonzaga ang pinagdaanan nila ni Mikee Morada sa pagpapatayo ng kauna-unahan nilang bahay bilang mag-asawa. 

 

 

Sa panayam ni Alex sa mag-asawang sina Slater Young at Kryz Uy, inamin nito na humarap sila sa iba’t-ibang pagsubok na naging dahilan upang hindi masunod ang petsa na kanilang itinakda para matapos ang kanilang ipinapagawang bahay.  

“Nandu’n pa lang kami sa proseso ng approval sa subdivision kasi ‘yung unang ginawa ng aming architect, hindi pala tama. ‘Yung mga easement,” ani Alex. 

“Nagkamali lang ng one meter, another na naman. Ang haba, ang daming pinirmahan ng blueprint. Napakadami, napakahaba. Pero kailangan pala talaga. ‘Yun naman ‘yung ginawa namin nu’ng isang araw,” dagdag pa niya. 

‘Gusto ko na siya’: Alex Gonzaga now ready to become a mom

Bagama’t hindi niya umano ito masyadong pinoproblema, may isa pang kinaharap si Alex na pagsubok dahil sa ilang desisyon. 

“Hindi pa masakit sa ulo kasi ‘yung mga [setback], ‘yung asawa ko ‘yung inaayos ko. Masakit sa ulo kasi siyempre nag-feeling ako. Sinabay ko kasi. So mas tumagal. Kasi siyempre nag-usap pa sila sa architect. Ganu’n pala ‘yun. Tapos namroblema pa ako kasi kailangan mamili ka na ng mga suppliers mo,” aniya. 

“Tapos ang mamahal agad. Sabi ko, ‘oy ayoko na muna. Nagkamali pa nga tayo du’n sa approval. [Dapat] kapag ka okay na,” sambit pa niya. 

Sa kabila ng kanilang kinakaharap, masaya naman si Alex na ang mga magulang niya ang naatasan niya bilang conrtactor ng kanilang magiging bahay. 

“What’s good is ‘yung contractor ko are my parents. ‘Yung bahay namin sina Mommy at Daddy ang gumawa,” saad pa niya. 

 

 

Pagbabahagi ni Alex, matagal nang tumatanggap ng trabaho bilang contractor ang kanyang ama na si Daddy Bonoy. 

“‘Si Daddy ganyan talaga siya. Contractor. Dati siyang nag PSID. So may alam talaga sila kasi ‘pag may pinapagawa kami. Sila talaga. ‘Di nila kinakarir na business talaga nila kasi siyempre nakatutok din sa amin,” ani Alex. 

“Naisip ko kasi na ayokong ma-stress na parang na baka [hindi kami magkaintidihan] ng contractor. Kasi maraming ganu’ng stories, ‘di ba? Na parang in the middle of their construction, nagpapalit sila ng contractor. So, sabi ko ayoko na ng ganu’ng stress kasi nag-wowork din ako,” pagpapatuloy pa niya. 

https://push.abs-cbn.com/2021/5/6/fresh-scoops/alex-gonzaga-gustong-magkaroon-ng-dalawang-anak-193272

“Katulad nu’ng meeting namin ng architect namin, ng interior designer namin, parang palagi ko pang naka-cancel. Alam mo ‘yung wala akong time masyado for them. At least ‘pag contractor mo is your parents, ‘pag uwi mo sa bahay, no choice ka, mag-uusap talaga kayo,” aniya.