• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi maitago ni Klarisse de Guzman ang saya matapos makatanggap ng sorpresang mensahe mula sa iniidolong mang-aawit na si Regine Velasquez.

Regine Velasquez, may nakakaantig na mensahe para kay Klarisse de Guzman

Hindi maitago ni Klarisse de Guzman ang saya matapos makatanggap ng sorpresang mensahe mula sa iniidolong mang-aawit na si Regine Velasquez.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

06/16/2021 10:56 AM
Regine Velasquez, may nakakaantig na mensahe para kay Klarisse de Guzman

Hindi maitago ni Klarisse de Guzman ang saya matapos makatanggap ng sorpresang mensahe mula sa iniidolong mang-aawit na si Regine Velasquez. 

Sa Magandang Buhay nitong Martes, Hunyo 15, pinuri ng binansagang Asia's Songbird ang talento ni Klarisse, na itinanghal na kampeon sa katatapos lang na Your Face Sounds Familiar Season 3.


"Si Klarisse is I think one of the most talented people that we have, and I think that whatever it is that she is experiencing now, she deserves it. Because she is such a lovely—and I'm using the term lovely—person. She is," ani Regine. 

Dagdag pa ni Regine, masayang masaya siya sa narating ni Klarisse sa kanyang karera.

"Naaalala ko nung nagpunta ka sa bahay namin parang hindi mo alam kung anong gagawin mo sa life mo. Siguro ngayon alam mo na. You really belong here. Congratulations. I am so proud of you. Love you, Klarisse! I'm a Klangster!" aniya.

Dahil sa nakakaantig na mensahe ng kanyang idolo, hindi mapigilan ni Klarisse na kiligin. 

"Aww. Love you, Miss Reg! Nakakakilig naman. ... Thank you, Miss Reg!" aniya. 

Sa programa, ibinahagi ni Klarisse na lubos ang pasasalamat niya kay Regine dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanya. 

"Kasi si Miss Reg lagi ako niyang binibigyan ng advice backstage. Sinasabi niya na, 'yun nga, 'Kaya mo naman, 'wag kang matakot.' Ganun. So thank you so much, Songbird. I love you po. Sobrang bait!" sabi niya. 

Si Regine ay asawa ni Ogie Alcasid, isa sa mga hurado ng ikatlong season ng Your Face Sounds Familiar.

Pag-amin ni Klarisse, si kanyang pagsabak sa kompetisyon, takot siya na ipagaya sa kanya si Regine dahil pakiramdam niya ay hindi niya ito mabibigyan ng hustisya.

"Sabi ko noon 'oh my God nakakakaba naman kapag ibinigay sa akin si Ms. Reg. Kasi si Ms. Reg icon rito. Hindi ko siya keri, baka mapahiya lang ako. Buti na lang hindi nataon sa akin si Ms. Reg," aniya.

BASAHIN: ‘Sobrang tagal ko na rin’: Klarisse de Guzman says winning ‘Your Face Sounds Familiar’ is the ‘trophy’ she has long waited for

Samantala, nagpapasalamat naman si Klarisse sa "Your Face Sounds Familiar" dahil sa hindi niya inaasahang pagkapanalo. 

"Siyempre sobrang thankful ako and sobrang saya kasi marami na ring times na andun na, eh, almost. Lagi na lang runner-up. But this time, kung saan pa hindi ko ine-expect, doon pa ako magiging grand winner. So very thankful ako sa Your Face Sounds Familiar and of course, sa ABS-CBN," aniya.