• Home
  • Fresh Scoops
  • Kamakailan lang ay nagpost si Jean Garcia sa social media ng tila patama kay Alwyn Uytingco.

Alwyn Uytingco, umaasang muling mabubuo ang pamilya nila ni Jennica Garcia: ‘Kahit ikamatay ko’

Kamakailan lang ay nagpost si Jean Garcia sa social media ng tila patama kay Alwyn Uytingco.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

06/16/2021 07:04 PM
Alwyn Uytingco, umaasang muling mabubuo ang pamilya nila ni Jennica Garcia: ‘Kahit ikamatay ko’
Photo credit: @alwynzky IG

Naglabas ng isang madamdaming post sa social media ang aktor na si Alwyn Uytingco kung saan ipinahayag nito ang kanyang kagustuhang muling mabuo ang pamilya nila ng kanyang asawa na si Jennica Garcia. 

Bagama’t aminado siyang hindi basta-bastang maibabalik ang dati, sinabi ni Alwyn na umaasa siyang muli niyang makakasama ang kanyang asawa’t mga anak sa isang tahanan. 

“Araw-araw, ito ang magiging dasal ko. Ito ang kakapitan ko. Ito ang papangarapin ko. Ito ang aasahan ko. Na balang araw, maging maayos na ang lahat. Alam ko hindi magiging madali,” ani Alwyn. 


Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, kumpirmadong hiwalay na

Dagdag pa ni Alwyn, alam niyang marami siyang haharapin ngunit hindi umano niya ito hahayaang maging sagabal para makasama ang kanyang pamilya. 

“Alam ko marami ang kailangan harapin. Pero mas pipiliin kong tawirin ang tulay na ‘to, kahit ikamatay ko, susubukin ko dahil alam ko na ikaw (at mga anak natin) ang sasalubong sa’kin sa dulo,” saad ni Alwyn. 

 

 

Sa ngayon, hindi pa malinaw ang tunay na estado nina Alwyn at Jennica ngunit maraming netizens ang naniniwala na sinusubukan ng dalawa ang lahat para magkaayos sila. 

Ito ay matapos ibahagi ni Alwyn ang litrato ni Jennica na may hawak na bulaklak nitong Sabado, Hunyo 12. 

Paniwala naman ng ilang netizens, tila pinariringgan ni ng ina ni Jennica na si Jean Garcia si Alwyn nang mag-post ito sa social media ng mensahe kung saan sinabi nito na “it’s time to say goodbye.”

“You can love someone with all your heart, but if they’re not going to be a good person for you, in your life, then it’s time to just say goodbye,” ani Jean sa kanyang post. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jean Garcia (@chic2garcia)

 

Kinumpirma ni Jennica ang hiwalayan nila ni Alwyn noong nakaraang buwan. Nilinaw naman ni Jennica na walang kinalaman ang pera sa hiwalayan nilang dalawa. 

Kinasal sina Alwyn at Jennica noong 2014, apat na taon mula nang una silang magsama. May dalawa silang anak.