• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan ni Sunshine Dizon na maluha nang sorpresahin siya ng kanyang mga kaibigang sina Karylle at Iza Calzado sa ‘Magandang Buhay’.

Sunshine Dizon, sinorpresa ng mga kaibigang sina Karylle at Iza Calzado sa ‘Magandang Buhay’

Hindi napigilan ni Sunshine Dizon na maluha nang sorpresahin siya ng kanyang mga kaibigang sina Karylle at Iza Calzado sa ‘Magandang Buhay’.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

06/15/2021 12:29 PM
Sunshine Dizon, sinorpresa ng mga kaibigang sina Karylle at Iza Calzado sa ‘Magandang Buhay’
Photo Credit: @m_sunshinedizon Instagram

Hindi napigilan ni Sunshine Dizon na maluha nang sorpresahin siya ng kanyang mga kaibigang sina Karylle at Iza Calzado sa Magandang Buhay nitong Lunes, Hunyo 14.

 

 

Matatandaan na ang tatlo—kasama ang kapwa aktres na si Diana Zubiri—ay naging malapit na magkakaibigan matapos nilang magkatrabaho sa teleserye na Encantadia taong 2005.

"Na-shock talaga ako hindi ko ini-expect!" ani Sunshine sa hindi inaasahang pagdating ng mga kaibigan. 

"Kasi magka-text [lang] kami nung isang araw. Nakakaloka naman! ... I am so touched," sabi pa niya.

Sa programa, parehas na inilarawan nina Karylle at Iza si Sunshine bilang isang kaibigan.

“Kung makikita niyo siya at home — kasi siyempre ngayon puro Zoom meetings — she loves her kids so much! Encouraging as a woman, ‘di ba. Gusto natin talaga na tinataas natin yung isa’t isa, and she’s so… pu-push ka niya. And just seeing her become a director recently, sabi ko, ‘Ha?’ In your 30s pwede ‘di ba to just take that big step and it was so natural to her, so ‘yun. I guess inspiring as a friend," ani Karylle.

“Solid," sabi naman ni Iza. "She is just yung sinasabi ni K na she’s so loving to her kids, she’s really like that. Nurturing. Encouraging. Maalaga talaga. … Ibibigay niya lahat pero kailangan din ibigay muna sa sarili. ‘Di ba. Ganyan kami eh. … Pero natutunan na siguro natin we really need to prioritize ourselves din. So ‘yan si Sunshine. She is a ray of sunshine in our lives."

Ayon naman kay Sunshine, mapalad siya na may mga kaibigan siyang tulad nina Karylle, Iza, at Diana.

“Parang bigla ako nasi-speechless! Sa daldal kong ‘to ha, biglang walang nasabi. You know, I guess what I can say is just I’m very blessed also to have friends like Iza and Karylle. And also Diana [Zubiri]. Sayang wala si Joy (Diana’s real name). Pero alam mo, it’s so nice to be part of a group na you respect each other’s individuality. Kasi we’re all very opinionated, eh. Sa totoo lang. Wala akong kaibigan na medyo slow. Proud ako doon, sorry ha. Lahat kasi ng mga kaibigan ko, you know, very opinionated, very smart and strong women. And I enjoy that kasi I learn from them, and we learn from each other," aniya.

Dagdag pa ng aktres: “It’s so nice to see how we’ve grown through the years, and ultimately, andito pa rin kami and we’re all still friends."

Huling nagkasama-sama sina Sunshine, Karylle, Iza, at Diana noong sa pelikulang Mystified ng iflix noong 2019.

Sa isang panayam matapos ang kanyang paglipat sa Kapamilya network, matatandaan na sinabi ni Sunshine na kabilang sina Karylle at Iza sa mga artistang nais niyang makatrabaho.

BASAHIN: Sunshine Dizon on becoming a Kapamilya: ‘It’s a new season in my life and career’

Samantala, bumisita si Sunshine sa Magandang Buhay upang anyayahan ang mga manonood na suportahan ang kanyang unang teleserye bilang isang ganap na Kapamilya—Marry You, Marry Me. Makakasama niya sa nasabing palabas sina Janine Gutierrez, Paulo Avelino, Jake Ejercito, Cherry Pie Picache, Vina Morales at Edu Manzano.