Direk Darryl Yap, bina-bash ng mga kasamahan mismo sa film industry

Para kay Darryl Yap, ‘Bash is cash.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/15/2021 04:12 PM
Direk Darryl Yap, bina-bash ng mga kasamahan mismo sa film industry
Photo Credit: @direkdarrylyap Instagram

Hindi apektado ang batang director na si Darryl Yap kahit kabi-kabila ang natatanggap niyang pamba-bash mula sa netizens tuwing may pelikula siyang ginagawa sa Viva Films. Ayon pa sa kanya, natutuwa pa siya kapag pinanggigilan ng bashers.

“Bash is cash. When you get bashed, you get tons of engagement,” reaksyon niya. “Because when they bash you lalo na sa page mo, kaya nga ganito, eh, medyo nanghihina ako pag binabash nila ako sa page nila.

“Kasi sa kanila napupunta yung engagements. Pero pag sa page ko, nagpapatreat pa ako sa team,” dagdag pa niya.


Magkaganun man, may limitasyon o hangganan din daw dapat ang kanyang bashers. Basta huwag lang daw idadamay ang kanyang pamilya.

“Bash is cash as long as my family is not being hurt. My family is not dragged into some issues. Okay lang ako kahit anong imbentuhin. Pero sometimes you have limitations,” katwiran ni Direk Darryl.

READ: Director Darryl Yap, very violent ang nagiging reaksyon kapag pinipirita ang mga pelikula

Sumasama lang daw ang kanyang loob kapag ang nagiging bashers niya ay mismong taga-film industry na kanya ring ginagalawan.

Lahad ni Darryl, “Sa totoo lang what pains me, what burdens me, is that a huge amount of bashing papunta sa akin, comes from the people in the industry. I understand kasi I’m not like them.

“Ako hindi ako dumaan sa pagiging production assistant, hindi ako dumaan sa pagiging assistant director. From social media content creator, tumalon talaga ako na maging direktor. So yung mga nauna sa akin, magtataas ng mga kilay yang mga yan. Naintindihan ko sila.”

“Ang sabi ko nga kung galit kayo sa akin, .wag niyo ako pansinin. Yun lang ang tanging paraan para mawala ako,” hirit pa ng director.

READ: Direk Darryl Yap inspirasyon ang mga ABS-CBN teleserye sa paggawa ng ‘rantseryeng’ ‘KPL’

Samantala, malaki ang pasasalamat ng director sa mga nanood at sumuporta sa latest film niyang Ang Babaeng Walang Pakiramdam na pinagbibidahan nina Kim Molina at Jerald Napoles.

“Maraming salamat po! sa kabila ng piracy at kung anu-anong kap**ang inahan, narito tayo, nagtatagumpay…” reaksyon ng writer-director.

Tapos ng gawin ni Darryl ang Revirginized ni Sharon Cuneta na sa August ang playdate. May tinatrabaho rin siyang bagong pelikula na tungkol naman sa “throuple relationship.”

“A throuple is an intimate, loving, equal relationship between a trio of people. It is a close romantic bond shared by three human beings.” Sa movie ni Direk Darryl na may title na 69 + 1 ay dalawang babae at isang lalaki ang bida – Maui Taylor, Janno Gibbs at Rose Van Ginkel.