• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpapasalamat si Sunshine Dizon sa kanyang dating asawa dahil sa pagiging mabuti nitong ama sa kanilang dalawang anak.

Bakit nagpapasalamat si Sunshine Dizon sa dating asawa?

Nagpapasalamat si Sunshine Dizon sa kanyang dating asawa dahil sa pagiging mabuti nitong ama sa kanilang dalawang anak.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

06/15/2021 09:56 AM
Bakit nagpapasalamat si Sunshine Dizon sa dating asawa?

Nauwi man sa hiwalayan ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa, nagpapasalamat pa rin si Sunshine Dizon sa kanyang dating asawa na si Timothy Tan dahil sa pagiging mabuti nitong ama sa kanilang dalawang anak.

 

 

Sa kanyang unang pagbisita sa Magandang Buhay nitong Lunes, Hunyo 14, masayang nagkwento ang aktres tungkol sa maayos na co-parenting set-up nila ng kanyang dating asawa. 

“Siguro hindi na ako masyadong will go into details kasi open book naman. I’m sure alam na nila. Pero ultimately, the decision was ano ang dapat at ano yung tama para sa mga bata. And we came to the agreement that co-parenting is the best for them," ani Sunshine.

“Kumbaga sa… nadapa at nagkamali, hindi ko naman matatawaran si Timothy bilang tatay. Kasi he’s very hands on. ‘Yun naman ang bawi niya talaga. And ito ay ever since maliliit pa lang talaga yung mga anak ko. He really drives for my kids nung pre-pandemic, siya naghahatid sundo. Everything that my kids need, he’s always there," dagdag pa niya.

Hindi man sila nakatira sa iisang bubong, tiniyak naman ni Sunshine na palagi pa ring nakikita at nakakasama ni Timothy ang kanilang mga anak. 

“Actually he sees his kids naman. Meron naman din siyang bahay. Pero hindi na issue yung magkikita yung anak, wala nang ganun. Deadma na ‘yun. Kasi basta for my kids… kumbaga ang akin is, gawin mo yung obligasyon mo sa mga bata at yung responsibilidad mo sa mga bata, hindi tayo mag-uusap. Okay na ako doon," aniya.

“[At ginagawa niya ‘yun], without me saying anything na ha," patuloy pa niya. "Siya pa nga yung nagre-remind sa akin eh. Kasi siyempre katulad nito nag-lock in ka, two weeks straight. Yung next ko na cycle, I think it’s going to be a month. I’m just very glad that Tim is there for the kids because I will not be able to do my part kung wala rin siya in the picture."

Samantala, nagulat si Sunshine nang makatanggap ng liham mula sa mga anak na sina Doreen at Anton sa programa.

“Alam mo, I’m just very blessed na no matter what we’ve been through as a family, maayos po yung mga anak ko. ‘Yun lang," ani Sunshine.

"Ang realization ko in life, ‘di ba parang ‘pag may nagawang hindi tama yung bata, ang reflection nasa magulang? ‘Di ba parating ganun? So ako natutuwa lang ako and I’m very glad na sometimes people come to me and say, ‘Uy, alam mo yung mga anak mo very mature, maayos.’ Ganun. Parang, ‘Lord, thank You. I’m doing something right.’ Kasi ‘di ba wala naman talagang manual for being a parent? Wala eh. You just go with how you feel and what you think is best for them, pero may mga factors na hindi natin… wala tayong magagawa ‘di ba. Pero yung mapalaki mo sila nang maayos, happy na ako doon. Basta alam ko lang na mabuting tao yung mga anak ko, Lord, thank You na ako doon," dagdag pa niya.

 

 

BASAHIN: Sunshine Dizon on becoming a Kapamilya: ‘It’s a new season in my life and career’

Bumisita si Sunshine sa Magandang Buhay upang anyayahan ang mga manonood na suportahan ang kanyang unang teleserye bilang isang ganap na Kapamilya—Marry You, Marry Me—kung saan makakasama niya sina Janine Gutierrez, Paulo Avelino, Jake Ejercito, Cherry Pie Picache, Vina Morales, at Edu Manzano.