• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinakilala na ang iba pang mga karakter na mapapanood sa ‘The Broken Marriage Vow’.

KILALANIN: Mga Karakter na dapat abangan sa ‘The Broken Marriage Vow’

Ipinakilala na ang iba pang mga karakter na mapapanood sa ‘The Broken Marriage Vow’.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/14/2021 03:26 PM
KILALANIN: Mga Karakter na dapat abangan sa ‘The Broken Marriage Vow’
Photo Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Kasunod ng pagpapakilala sa mga bibida sa Philippine adaptation ng international series na Doctor Foster na pangungunahan ni Jodi Sta Maria, ipinakilala na muli ng Dreamscape Entertainment ang iba pang mga bituin na mapapanood sa The Broken Marriage Vow.

READ: Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez magtatapatan sa ‘The Broken Marriage Vow’

 


 

Kasama sina Jane Oineza as Dianne Riagon, Joem Bascon as Enzo Tierra, Art Acuña as Fred Lucero, Rachel Alejandro as Nathalia Lucero, Angeli Bayani as Dr. Sandy Alipio, Ketchup Eusebio as Charlie Manansala, Bianca Manalo as Carol Manansala, Empress Schuck as Grace Jimenez, Ronnie Lazaro as Dr. Jose Tan, Malou Crisologo as Yaya Magie, Franco Laurel as Atty Dante Pugong, Sandino Martin as Dr. Barry, Jojit Lorenzo as Ben, Kate Alejandrino as Bani, Jie-Anne Armero as Janice, Brent Manalo as Migs Ilustre, Migs Almendras as Justin, Avery Clyde as Mikah Jimenez, at JB Agustin as Max.

Bukod sa mga bagong karakter na ipinakilala, kasama rin ni Jodi Sta Maria sina Zaijian Jaranilla, Zanjoe Marudo, at Sue Ramirez sa The Broken Marriage Vow.

Ang The Broken Marriage Vow ay iikot sa kuwento ng pagmamahalan ng pamilya Illustre na unti-unting sisirain ng pagtataksil.

Ang The Broken Marriage Vow ay mula sa international TV series na Doctor Foster ng BBC at ang inspirasyon din ng isa mga hit South Korean-drama series na The World of the Married Couple na napanood rin sa ABS-CBN.

Ang The Broken Marriage Vow ay sa ilalim ng direksyon ng award-winning director na si Connie Macatuno.

Mapapanood ang The Broken Marriage Vow soon sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN Entertainment hatid ng Dreamscape Entertainment.