• Home
  • Fresh Scoops
  • Handa na rin kaya ang Kapamilya audience sa bagong image ni Darren Espanto?

Darren Espanto, deadma na sa mga ‘mema’ sa social media

Handa na rin kaya ang Kapamilya audience sa bagong image ni Darren Espanto?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

06/10/2021 04:42 PM
Darren Espanto, deadma na sa mga ‘mema’ sa social media

Mainit na pinag-usapan sa social media recently ang naging 20th birthday pictorial ng Kapamilya singer na si Darren Espanto.

 

 

Sa mga kuha at uploaded photos ng singer sa kaniyang personal na Instagram account, makikita ang malaking pagbabago sa image at branding ng singer na labis na ikinagulat ng maraming netizens at kaniyang mga followers.

Kaya naman, hindi naiwasan na maitanong ng PUSH sa naganap na digital media conference ng kaniyang upcoming Home Run digital concert kung ano nga ba ang kaniyang saloobin sa mga naging reaksyon ng netizens sa kaniyang rebranding ng image and style as a singer.

“Alam niyo po talaga isa ako sa mga tao na hindi talaga naaapektuhan sa mga bashers at sinasabi ng haters,” bungad ni Darren.

Ayon pa kay Darren, isa aniya sa naging payo ng kaniyang mga magulang na iwasan na sana nito ang pagbabasa ng mga reaksyon ng netizens sa social media. Pero para kay Darren: “Seriously, medyo nawiwirduhan sa akin 'yung pamilya ko or people close to me. ‘Grabe yung personality mo ‘no? Kaya mong magbasa ng comments mo sa Instagram, Twitter, Facebook,’” kuwento pa ni Darren.

Bilang isang personalidad, alam aniya ng Kapamilya singer ang papuri at tila pag puna sa kaniyang mga ginagawa sa social media.

“There’s constructive criticism and there’s just criticism. You have to find out how you’re going to be able to react to those comments. Ako kaya ko siyang basahin na walang reaction kasi kung alam mo namang hindi totoo, bakit ka magpapadala doon?” paliwanag ng singer.

Aniya pa: “Alam naman nating marami ding tinatawag na mema,” sundot na paliwanag niya.

Kung umani ng negatibong pahayag, mas naging positibo si Darren sa mga papuri na kaniyang nabasa sa naging pasabog na social media post.

“There are a lot of positive reactions. A lot of people on Twitter are saying na ‘Yesterday this kid was just 15. Now I can’t believe this is what he looks like.’ I’d say na-achieve namin ng team ko 'yung rebranding and growth for myself as an artist,” sambit pa ni Darren.

Bukod sa kaniyang pasabog birthday social media post, looking forward ngayon si Darren sa paghahanda para sa kaniyang upcoming digital concert.

Ayon sa singer, ramdam niya ang kaba dahil ito ang unang beses niyang sasabak sa digital concert.

“Mentally, minsan medyo kinakabahan ako pero I am sure when the day comes, everything is gonna be set in my mind already. I am very confident naman na this whole show, especially with the whole team I am working with, I am just so happy to be working with all of these people again. I just can’t wait for everyone to see what we have in store for all of them,” pahayag pa ng singer.

Mapapanood ang Home Run digital concert ni Darren sa KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV and SkyCable pay per view ngayong darating na June 19 at 8 pm (Manila time) at rerun sa June 20, 10 am (Manila time).