• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinagot ni Rabiya Mateo ang tanong tungkol sa kanyang planong pagsabak sa isa pang international pageant.

Rabiya Mateo, sasabak sa Miss World?

Sinagot ni Rabiya Mateo ang tanong tungkol sa kanyang planong pagsabak sa isa pang international pageant.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

06/01/2021 04:30 PM
Rabiya Mateo, sasabak sa Miss World?
Photo Credit: @rabiyamateo Instagram

Sinagot ni Rabiya Mateo ang tanong tungkol sa kanyang planong pagsali sa Miss World kasunod nang pagkabigo niyang masungkit ang korona sa kakatapos lang na 69th MIss Universe. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)


 

Sa panayam ni King of Talk Boy Abunda, inamin ni Rabiya hindi lingid sa kanyang kaalaman na marami ang naghihikayat sa kanya na sumali sa isa pang international pageant — ang Miss World. 

"I was making jokes na 'Hindi pa nga okay 'yung paltos ko sa paa, gusto niyo na naman akong sumali,’” saad ni Rabiya. 

Ani Rabiya, hindi niya sinasarado ang kanyang pinto sa pagsali sa nasabing pageant. Sa katunayan, kinokonsedira niya ang pagsali dito sa susunod na dalawang taon. 

READ: Rabiya Mateo, pasok sa top 21 ng 69th Miss Universe pageant

Saad niya: “Let's give it two years siguro. Let's see… I'm not closing any door... who knows?"

Panoorin ang panayam ni Rabiya sa ibaba: 

Hindi naman malayong mangyari ito lalo pa’t bente kwatro anyos palang ang beauty queen. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

 

Ang nasabing panayam ni Rabiya ang kauna-unahan niyang interview kay Boy Abunda at unang buong interview matapos ang pageant. 

Samantala, napag-usapan din ang mga pinagdaanan ni Rabiya sa kanyang Miss Universe journey sa nasabing panayam kabilang na ang mga natanggap niyang pambabatikos sa publiko.

Bagama’t nabigong masungkit ang korona, marami naman ang bumilib kay Rabiya dahil hindi nito binali ang pagpasok ng Pilipinas sa Top 21. 

READ: Rabiya Mateo, hindi pinalad sa Miss Universe

Matatandaang sampung taong sunod-sunod na nakapasok ang Pinas bago sumabak si Rabiya sa kompetisyon.