• Home
  • Fresh Scoops
  • May balak bang pasukin ni Joaquin Domagoso ang mundo ng politika?

Anak ni Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso sinabing hindi ginagaya ang ama: ‘Di ko naman pina-follow yung footsteps niya’

May balak bang pasukin ni Joaquin Domagoso ang mundo ng politika?

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/01/2021 04:30 PM
Anak ni Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso sinabing hindi ginagaya ang ama: ‘Di ko naman pina-follow yung footsteps niya’
Photo Credit: @jdomagoso Instagram

Bida na sa isang comedy adventure movie titled Caught In The Act ang anak ni Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso. Caught In The Act is written and directed by Perry Escano mula sa MPJ Entertainment Productions and Golden Brilliance.

Ayon kay Joaquin sa interbyu ng PUSH sa ginanap na virtual presscon para sa pelikula na isu-shoot ngayong June, hindi niya intensyon talaga na sundan ang yapak ng kanyang tatay. Si Mayor Isko ay nagsimula bilang artista bago naging isang public servant.


“Di ko naman pina-follow yung footsteps niya,” sabi ni Joaquin. “I just want to enter showbiz before pa kasi na-realize ko na medyo bibo talaga yung attitude ko and medyo makulit talaga ako.

“Gusto ko rin na nakakagalaw ako. Nakakagawa ako ng performance art and iba pong bagay. Do’n ko talaga naisip na bakit hindi ko rin subukan, that’s why I entered showbiz,” katwiran ng binata.

Yung pagpasok naman sa politics na tulad nang ginawa ng tatay niya ay hindi pa raw niya iniisip ngayon.

“I don’t really think of that, but I’m not closing my doors. I don’t know, baka in the future po. Kasi yung politics that is something na iisipin mo when you’re in 30s na or even later in life.

“Well, my dad, he entered very early, but ako, my plan po talaga muna is showbiz muna po,” paliwanag ni Joaquin.

Ibinahagi rin sa PUSH ni Joaquin kung ano ang life’s lesson na in-impart sa kanya ng ama pati na ang bilin nito ngayong nasa showbiz na rin siya at nag-aartista.

“Lagi niyang sinasabi, ‘If you want to change tomorrow you’ve got to do something today.’ Kasi raw if you keep repeating the same thing you did today you won’t be able to change tomorrow,” lahad niya about life’s lesson.

Paalala din daw sa kanya ni Mayor Isko na, “Yung napaka-important lesson binigay niya sa akin pagdating naman sa pag-aartista ko is just to listen, that’s the most basic – listen to your director, lalung-lalo na to older co-actor. He also said na acting is reacting and you will get that from your co-actors.”

Hindi ba mahirap magkaroon ng isang sikat na tatay na mayor ng isang lungsod?

“Siguro, there are times…  lalo na kung gusto ko ng umuwi at may nagpapa-picture pa kay Papa,” natatwa niyang sagot. “Pero aside from that, okey lang, wala naman pong problema,” dugtong pa niya.

Kasama ni Joaquin sa Caught In The Act si Andi Abaya, ang 2nd big placer sa katatapos lang na PBB Connect. Ano ba ang unang impression niya sa dalaga?

“I saw Andi kapag nagba-viral siya sa PBB, so first impression – solid, ang galing niya. Wala pa rin naman akong masabi now kasi I don’t really know her yet pero I know she’s a nice person at mabait siya,” description niya sa dalaga.

Samantala, tatlong bagong mukha ang ipakikilala sa Caught In The Act who will be portraying major characters. They are Josh Lichtenberg, Jhassy Cruz Busran, and Bamboo B.