• Home
  • Fresh Scoops
  • May inputs and ideas rin ang mga binibigay ni Sarah Geronimo sa kaniyang concert director.

‘Walang ego, kaya madaling ka work’: Paul Basinillo, inilarawan ang work attitude ni Sarah Geronimo

May inputs and ideas rin ang mga binibigay ni Sarah Geronimo sa kaniyang concert director.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/08/2021 08:38 AM
‘Walang ego, kaya madaling ka work’: Paul Basinillo, inilarawan ang work attitude ni Sarah Geronimo
Screenshot from Viva Films and Sky YouTube Channels

Proud at suwerte kung maituturing ng concert director na si Paul Basinillo ang kaniyang sarili sa tiwala sa kaniya ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Si Paul Basinillo ay ang concert director ng karamihan ng successful concert ni Sara mula 24/SG, This15 Me, at ang Tala: The Film Concert at ang hit music videos ng Popstar Royalty.


Kaya naman, hindi maialis para sa concert director na maging proud sa working relationship nila ni Sarah Geronimo sa nagdaang mga taon.

“She is very hands on. And we like that. She knows what she wants to achieve and we are just there to help her. In fact I remember when we first pitched the project to her sometime August of 2020, she was never hesitant. She knew the team will do their job and make it easier for her to execute her vision,” sambit ng director sa exclusive interview ng PUSH.

At bilang direktor, hindi na lang basta basta artist performer kung ilarawan ni Direk Paul si Sarah.

“As a director, I’ve always considered Sarah as a creative partner in terms of how she wants her show to look and feel. I’m there, together with the whole team to walk with her in this journey. When she speaks her mind, everyone listens. And that’s a mature superstar who is always grounded,” pagbibida ng concert director kay Sarah.

Suwerte kung ilarawan ni Direk Paul ang kaniyang sarili na makuha ang tiwala ni Sarah sa kaniyang talento bilang isang direktor.

READ: Paul Basinillo, may mensahe para kay Sarah Geronimo

“She’s always humble. Walang ego, kaya madaling ka work. I’m probably very lucky to have collaborated with her through all these years and until now, I continue to protect that trust that was given to me not just by Sarah, but by Boss Vic (del Rosario) as well,” ani Direktor.

Sa mahabang panahon rin na pinagsamahan nila ni Sarah sa mga proyekto, nakita rin ni Direk Paul ang changes sa mga ideas at inputs ng Popstar Royalty sa kanilang mga collaborations.

READ: ‘Tala’ reaches 100 Million views on YouTube

“Mas marami na siyang magagandang ideas. And sobrang happy to collaborate with them (Sarah and husband Matteo Guidicelli) both. In fact, when we have online shoots, Matt is the one who normally lights, frames, and composes the shots. Even the technical aspects of it, like the camera being used, the lensing, the audio. Sobrang alam yan ni Matt. As a co-triathlete, I get to interact with Matt re our common hobby. But since pandemic ngayon, walang races so back to regular programming muna,” kuwento ng direktor.

Starting May 14, 2021 mapapanood naman sa VivaMax digital streaming ang Tala: The Film Concert matapos ang two night successful streaming nito sa KTX.ph nitong May 1 and 2.

Sa ngayon, looking forward si Direk Paul sa upcoming projects na posible muli nilang pagsamahan ni Sarah.