• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa Instagram, isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ng aktres na si Maymay Entrata para sa kanyang mga tagasunod at tagahanga.

Maymay Entrata, nagpasalamat sa mga bumati sa kanyang kaarawan

Sa Instagram, isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ng aktres na si Maymay Entrata para sa kanyang mga tagasunod at tagahanga.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

05/07/2021 03:12 PM
Maymay Entrata, nagpasalamat sa mga bumati sa kanyang kaarawan
Photo Credit: @maymay Instagram

Pinasalamatan ng aktres na si Maymay Entrata ang mga bumati at nakaalala sa kanyang ika-24 na kaarawan noong Huwebes, Mayo 6. 

Sa Instagram, isang madamdaming mensahe ang ibinahagi ni Maymay para sa kanyang mga tagasunod at tagahanga.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

 

"Dumaan man ang isa sa mga pinaka-mahirap na pagsubok sa buhay ko at kahit hanggang ngayon ay nasa kalagitnaan pa rin ako ng hamon sa buhay, hindi lang sa pandemya kundi sa sarili ko, ang dami pa rin dapat pasalamatan at isa na dito ay ang unconditional love ng mga mahal ko sa buhay na siyang tanggap ang buong pagkatao ko na kung saan habangbuhay ko itong dadalhing inspirasyon. Hindi ko hahayaang masira pa ang napaka-gandang binigay ng tsansa ng Panginoon na tatagan ko pa ang sarili ko and continue to live right," aniya.

Patuloy ng aktres: "Ang aking kaarawan ay selebrasyon hindi lamang para sa sarili ko kung hindi para sa mga taong patuloy na pinaparamdam sa akin ang totoong pagmamahal. Patuloy kong ipinagdarasal na sana’y mas palakasin pa ng ating Panginoon ang ating loob upang malagpasan natin kung ano man ang hirap na pinagdadaanan ng bawat isa sa atin. Alam ko balang araw maging ok din ang lahat. As what God has promised in Jeremiah 29:1, 'For I know the plans I have for you,' declares the LORD, 'plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.'"

Ayon kay Maymay, sa kanyang kaarawan ay naramdaman niya ang lubos na pagmamahal mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga tagahanga.

"Sa lahat po ng mga bumati sa akin, hindi ko man po kayo lahat ma-reply-an, taos-puso po akong nagpapasalamat. Sobrang ramdam ko po ang pagmamahal ninyong lahat. Nawa’y patuloy nating ipalaganap ang pagmamahal sa lahat at unawain ang isa’t isa dahil 'yan ang mas kailangan natin sa mga panahong ito. Again, MARAMING SALAMAT PO SA INYO," aniya.

BASAHIN: Maymay Entrata marks 24th birthday with magazine cover

Kabilang sa mga nagpaabot ng kanilang pagbati para sa kaarawan ni Maymay ay ang kanyang onscreen partner na si Edward Barber.

Sa Instagram Story, simple pero nakakaantig ang naging mensahe ng aktor para sa aktres. 

"Happy birthday Marydale! Praying that God pours out more of His blessings on you today and everyday! Keep on being a blessing to others!" aniya.