• Home
  • Fresh Scoops
  • Ang “The Broken Marriage Vow” ay ang Philippine adaptation ng original BBC drama series na “Doctor Foster.”

Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez magtatapatan sa ‘The Broken Marriage Vow’

Ang “The Broken Marriage Vow” ay ang Philippine adaptation ng original BBC drama series na “Doctor Foster.”

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

05/07/2021 05:17 PM
Jodi Sta. Maria, Sue Ramirez magtatapatan sa ‘The Broken Marriage Vow’
Photo Credit: @jodistamaria and @sueannadoodles on IG

"The Doctor is in, and the secret has finally comes out." 

Ito ang naging tema nang naganap na pagpapakilala sa mga bituin na bibida sa inaabangan na Philippine adaptation ng BBC Original drama series na “Doctor Foster.

Nitong Biyernes, Mayo 7, pormal nang ipinakilala ng Dreamscape Entertainment ang mga bituin na magbibigay kulay sa Philippine adaptation ng “Doctor Foster” na may local title na “The Broken Marriage Vow.”


Ang “The Broken Marriage Vow” ay iikot sa kwento ng masayang pamilya ng mga Illustre na unti-unting sisirain ng pagtataksil.

Pinakilala na ang home grown StarMagic talents na bibida sa mga major roles ng series tulad nina Zaijan Jaranilla, na gaganap sa papel si Gio Illustre, ang nag-iisang anak ng mag-asawang Illustre.

 

 

Ang papel na David Illustre ay bibigyang buhay naman ni Zanjoe Marudo, ang asawa ng isa sa itinuturing na pinaka mahusay na doktor na si Dra. Jill Ilustre, na gagamapananan ni Jodi Sta. Maria.

 

 

 

 

Matapos naman ang mahabang diskusyon sa social media, ipinakilala na rin ang karakter ng babaeng ugat ng kataksilan sa masayang pagsasama ng mag-asawa na si Lexi Lucero at ito ay gagampanan ni Sue Ramirez. 

 

 

Ang “Doctor Foster” ng BBC ay ang inspirasyon din ng hit South Korean-drama series na “The World of the Married Couple” na napanood rin sa ABS-CBN.

Ang “The Broken Marriage Vow” ay idi-direk ng award-winning director na si Connie Macatuno.

END

Mapapanood ang “The Broken Marriage Vow” soon sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN Entertainment hatid ng Dreamscape Entertainment.