• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa kanyang kauna-unahang pagbisita sa ‘Magandang Buhay’, naging bukas si Janine Gutierrez tungkol sa kaniyang nobyo na si Rayver Cruz.

Janine Gutierrez, inaming hindi naghahanap ng pag-ibig noong nakilala si Rayver Cruz

Sa kanyang kauna-unahang pagbisita sa ‘Magandang Buhay’, naging bukas si Janine Gutierrez tungkol sa kaniyang nobyo na si Rayver Cruz.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

05/07/2021 09:59 AM
Janine Gutierrez, inaming hindi naghahanap ng pag-ibig noong nakilala si Rayver Cruz
Photo Credit: @janinegutierrez Instagram

Sa kanyang kauna-unahang pagbisita sa Magandang Buhay, naging bukas si Janine Gutierrez tungkol sa kaniyang nobyo na si Rayver Cruz. 

Sa programa nitong Huwebes, Mayo 6, inilarawan ng aktres ang relasyon nila ng aktor bilang "masaya" at "madali lang".

 


 

"Masaya. Tsaka madali lang. Palaging sinasabi ng nanay ko na dapat ganun daw 'yung hanapin mo, 'yung parang madali lang. Tapos hindi ko maintindihan, ano bang ibig sabihin nun? Kasi 'di ba 'pag mas bata ka akala mo 'yung mga drama, 'yung mga ganyan, ibig sabihin okay 'yang mga ganyan. Pero nung nakilala ko si Rayver, sabi ko, 'Ah, ito pala 'yung sinasabi ng mommy ko,'" ani Janine, na anak ng batikang aktres na si Lotlot de Leon.

BASAHIN: Janine Gutierrez on working with mom Lotlot de Leon for the first time: ‘Na-sa-starstruck siguro ako sa nanay ko’

Pag-amin ni Janine, hindi siya naghahanap ng pag-ibig noong una niyang nakilala si Rayver.

"So alam mo 'yun, hindi ako nag-adjust. Lahat ng kabaliwan ko ipinakita ko. Hindi ako nag-effort magpaganda, mga ganyan. Pinakita ko sa kanya kung ano talaga ako nang buong buo, at ngayon masasabi ko na tanggap niya 'ko nang buong buo," aniya. 

Dagdag ng aktres, nagpapasalamat siya sa aktor dahil kahit kailan ay hindi nito ipinaramdam sa kanya na may kailangan siyang itago o baguhin tungkol sa sarili niya. 

"Alam mo 'yung kayang kaya niya lahat ng araw ko kung isang araw malungkot ako or marami akong iniisip. 'Yung alam na alam niya kung paano ako kausapin. Tsaka ramdam ko na wala akong kailangang itago o baguhin tungkol sa sarili ko," aniya.

"Sobrang generous niya at mabait, lalo na sa pamilya," patuloy pa ni Janine. 

Bumisita si Janine sa Magandang Buhay upang anyayahan ang mga manonood na suportahan ang kanyang kauna-unahang Maalaala Mo Kaya episode na ipapalabas na ngayong Sabado, Mayo 8.