• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon sa aktres na si Aubrey Miles, 2019 pa lamang ay nagbabalak na silang magpakasal ng kanyang longtime partner na si Troy Montero.

Aubrey Miles, nagkwento tungkol sa naudlot nilang kasal ni Troy Montero

Ayon sa aktres na si Aubrey Miles, 2019 pa lamang ay nagbabalak na silang magpakasal ng kanyang longtime partner na si Troy Montero.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/07/2021 11:10 AM
Aubrey Miles, nagkwento tungkol sa naudlot nilang kasal ni Troy Montero
Photo Credit: @troymontero Instagram

Nagkwento ang aktres na si Aubrey Miles tungkol sa naudlot nilang kasal ng kanyang longtime partner na si Troy Montero sa Magandang Buhay nitong Miyerkules, Mayo 5.

Ayon kay Aubrey, 2019 pa lamang ay nagbabalak na silang magpakasal ni Troy.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Troy Montero (@troymontero)

 

"2019, plinano na namin. Easy lang. Sabi ko, 'You know what? It's time na 'no?' Ako talaga 'yung nagsabi. Sabi niya, 'Oo nga 'no?' Parang casual lang. 'Sige, let's do it in this place na malayo', kwento niya.

Patuloy ng aktres, Abril ng nakaraang taon nang naisipan nila ni Troy na ituloy ang kanilang plano. 

"Nagpa-book na kami. 'Yung hotel na binook namin, parang 13-15 rooms lang. Tapos ang plano ko talaga, 9 people lang talaga," aniya.

Dahil sa COVID-19 lockdown, napagdesisyunan nila ni Troy na ilipat ang kanilang kasal ng Hulyo. Ngunit kahit ito ay hindi rin natuloy, ayon kay Aubrey.

"April 'yun, tapos March pandemic na, ni-lockdown na. Tapos sabi namin, 'Oh baka mga two months lang 'yan. Let's move it ng July.' Tapos hindi na natuloy. Move nang move nang move. Kinuha na namin lahat si airlines, nabayaran na. Ni-refund naman kami," aniya.

BASAHIN: Troy Montero and Aubrey Miles share keys to strong relationship amid challenges brought by the pandemic

Matatandaan na sa naunang panayam ni Toni Gonzaga para sa I Feel U, kung saan unang beses nagkwento si Aubrey tungkol sa naudlot nilang kasal ni Troy, sinabi ng aktres na hindi nila ito itinuturing na senyales na hindi sila dapat magpakasal.

“Sabi ko nga it’s not even the sign na sabi nila, ‘O, baka iyong sign na hindi pa talaga.’ Sabi ko ‘No, hindi naman sign ‘to. Talagang it’s the pandemic.' So we’ll do it, we’ll do it,” sabi niya.

May dalawang anak sina Aubrey at Troy—si Hunter, 12, at Rocket, 3. May anak din si Aubrey na si Maurie, 20, mula sa dating relasyon.