• Home
  • Fresh Scoops
  • All set na ang gowns ni Rabiya Mateo para sa preliminary competition ng 69th edition ng Miss Universe.

Rabiya Mateo, irarampa ang disenyo ni Furne Amato sa Miss Universe pageant

All set na ang gowns ni Rabiya Mateo para sa preliminary competition ng 69th edition ng Miss Universe.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/06/2021 03:54 PM
Rabiya Mateo, irarampa ang disenyo ni Furne Amato sa Miss Universe pageant
Photo credit: @rabiyamateo (L) and @missuniverseph (R) Instagram

Ilang araw bago ang inaabangang coronation night ng 69th Miss Universe sa Seminole, Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida, ay unti-unti nang naglalabasan ang malalaking pangalan na inaasahang magdadamit sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

TINGNAN: Rabiya Mateo, ipinasilip ang ilang paghahanda sa 69th Miss Universe pageant

Si Mateo ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 69th Miss Universe at isa ngayon sa mga top favorite dahil na rin sa kaniyang mga pasabog outfits at sa kaniyang mga pictorials on social media.


Sa official social media post ng Miss Universe Philippines ipinakilala na ang dalawang designers na magdadamit sa Pinay beauty sa entablado ng Miss Universe mula sa preliminary hanggang sa evening gown competition.

Kabilang na dito ang Dubai-based Filipino fashion designer na si Furne One Amato.

Nakilala si Amato sa kaniyang natatanging disensyo na paborito rin ng Hollywood personalities tulad na lamang nina Katy Perry, Heidi Klum, Mariah Carey, at Ariana Grande.

Kamakailan lang, isang fashion movie ang ibinida ni Amato kung saan tampok si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na nagsuot ng kaniyang mga disensyo.

Bago pa man ang 69th Miss Universe, si Amato rin ang nag disenyo ng swimsuit na ginamit ng mga kandidata sa unang edisyon ng Miss Universe Philippines kung saan nasungkit ng Ilongga beauty ang titulo ng Miss Universe Philippines.

Bukod kay Furne One Amato, isang espesyal na disenyo rin ng namayapang si Rocky Gathercole ang ibabandera ni Rabiya sa Miss Universe.

Sa ngayon, buhos ang suporta ng Filipino pageant fans sa nalalapit na laban ng Pinay beauty na gaganapin ngayong May 16, 2021.

Kung papalarin si Mateo na ang magiging ika-limang Filipina beauty na makakasungkit ng korona sa Miss Universe na huling nakuha ni Catriona Gray noong 2018.

Mapapanood ang live telecast ng 69th Miss Universe sa Kapamilya Channel at A2Z channel 11.