• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves sa mga humahanga kay Rabiya Mateo, ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe ngayong taon.

Nicole Cordoves, nagbigay-opinyon sa kapwa beauty queen na si Rabiya Mateo

Isa si Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves sa mga humahanga kay Rabiya Mateo, ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe ngayong taon.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

05/06/2021 10:17 AM
Nicole Cordoves, nagbigay-opinyon sa kapwa beauty queen na si Rabiya Mateo
Photo credit: @binibiningnicolecordoves (L) and @rabiyamateo (R) Instagram

Isa si Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves sa mga humahanga kay Rabiya Mateo, ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe ngayong taon. 

Sa kanyang naging pagbisita sa Magandang Buhay nitong Miyerkules, Mayo 5, nagbigay-opinyon si Nicole sa kanyang kapwa beauty queen na nakatakdang lumaban sa inaabangang kompetisyon ngayong buwan.

“Si Rabiya, napapanood ko kasi sa Instagram ‘yung mga short video clips niya eh. Nakita ko na nagbibigay siya ng talk or speech noon sa isang barangay tapos alam niya kung paano siya makipag-connect sa kinakausap niya, sa audience niya on a deeper level. Which is something na hindi mo basta basta maituturo lang sa kung anu anong workshops. Tsaka she has a very strong life story, which is very important," aniya. 


BASAHIN: Gloria Diaz on Rabiya Mateo’s chances of winning in the 2020 Miss Universe pageant: ‘I can never tell, but she is really deserving’

Bukod kay Rabiya ay natanong din si Nicole tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend.

"Parang tayo na nasa entertainment industry, feeling ko siya 'yung oasis ko sa desert. Parang siya 'yung peace of mind ko. Na kung ang ingay ingay ng lahat, siya 'yung katahimikan," sabi ni Nicole tungkol sa kanyang nobyo, na umano'y karelasyon na niya bago pa siya sumabak sa pageant. 

Nang matanong kung may balak na ba silang magpakasal ng kanyang nobyo, sagot ni Nicole:  "Yes. In three years pa. Pero it's more of a commitment lang."

Paliwanag niya: "Kasi, girls, remember, ipa-commit niyo 'yung partner niyo. Hindi pwedeng happy lang kayo. Kailangan may plano. Alam mo 'yun? Kasi unfair naman. I'm 29 na. So hindi naman pwedeng date around na lang ako. Give me a fair chance. Hindi pwedeng love lang talaga eh. It's like running a car without gas."

Bukod sa pagiging beauty queen ay isa ring TV at events host si Nicole.

Mayroon din siyang YouTube channel kung saan nagbibigay siya ng mga tips para sa mga nais sumabak sa beauty pageant.