• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ng aktres na si Aubrey Miles na umaasa siyang ipagpapatuloy ng kanyang nag-iisang babaeng anak na si Rocket ang kanyang pangarap paglaki nito.

Maging beauty queen ang pangarap ni Aubrey Miles para sa babaeng anak

Sinabi ng aktres na si Aubrey Miles na umaasa siyang ipagpapatuloy ng kanyang nag-iisang babaeng anak na si Rocket ang kanyang pangarap paglaki nito.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/06/2021 10:08 AM
Maging beauty queen ang pangarap ni Aubrey Miles para sa babaeng anak
Photo credit: @milesaubrey Instagram

Lingid sa kaalaman ng marami, bago pumasok sa showbiz ang aktres na si Aubrey Miles ay dati siyang sumasali ng mga beauty pageant.

Sa kanyang naging pagbisita sa Magandang Buhay nitong Miyerkules, Mayo 5, nagkuwento si Aubrey tungkol sa kanyang mga naging karanasan sa pagsali ng mga beauty contest. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AUBREY MILES (@milesaubrey)


"Bago ako mag-showbiz talagang beauty pageants ako. Lagarista ako ng beauty pageants talaga... ‘Di ba merong city city, tapos every time lumilipat kami ng bahay, sasali kami doon [ng] kapatid ko. She’s 5’10”, ako 5’6”. Ang laging sinasabi namin, press release namin, mag-best friends kami. Tapos iba ‘yung last name niya, iba ‘yung last name ko," kwento niya.

Hindi man siya naging isang ganap na beauty queen, sinabi ni Aubrey na umaasa siyang ipagpapatuloy ng kanyang nag-iisang babaeng anak na si Rocket ang kanyang pangarap paglaki nito. 

“Ito talaga sa totoo lang, one year old pa lang siya, naghahagdan na siya. Sabi ko, ‘Ay, may potential. Lakadera ‘to!’ Pero very sporty [siya eh]... siguro dahil may mga boys kami so hindi siya maarte," ani Aubrey. 

"Sabi ko sana medyo maarte para pang-beauty queen na medyo mas finesse... Gusto ko mga 6, 7 [years old, kapag] nag-i-school [na siya], pwede [ko] na siyang i-train ng mga more finesse walks," dagdag pa niya.

LOOK: Meet Aubrey Miles and Troy Montero’s unica hija Rocket Miller

Ayon pa kay Aubrey, ngayon pa lamang ay iniingatan na niya ang balat at buhok ni Rocket, na bunsong anak nila ng kanyang longtime partner na si Troy Montero. 

“Basta sa akin ingat sa skin, ‘yung mga sugat sugat. Alam mo na, kailangan maganda ‘yung skin. Tapos ‘yung hair niya kulot kasi so sinusuklay ko lagi ‘yan," aniya.

We just always like to imagine [na sasali siya ng pageant]," dagdag pa niya. "Kung hindi talaga, wala. Pero for me, gusto ko talaga para lang ma-feel ko rin na, ‘Ay, may nag-continue.’"

Bukod kay Rocket ay may isa pang anak sina Aubrey at Troy na si Hunter. May anak din si Aubrey na si Maurie mula sa dating relasyon.