• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagluluksa ngayon ang mundo mg entertainment industry sa pagpanaw ng veteran entertainment journalist na si Ricky Lo.

Veteran entertainment journalist Ricky Lo passes away

Nagluluksa ngayon ang mundo mg entertainment industry sa pagpanaw ng veteran entertainment journalist na si Ricky Lo.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/05/2021 08:57 AM
Veteran entertainment journalist Ricky Lo passes away
Photo Credit: @therealrickylo Instagram

Nababalot ngayon ng kalungkutan ang mundo ng entertainment industry sa balitang pagpanaw ng respetadong entertainment journalist na si Ricky Lo.

Gabi ng Mayo 4, pumanaw si Lo sa edad na 75 na ibinalita ng kaniyang kapatid na si Susan Lee.


Si Lo ay isa sa maituturing na haligi ng entertainment industry para sa kaniyang naging ambag sa larangan ng pagbabalita ng malalaman at marakadong istorya sa mundo ng showbiz.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ricky Lo (@therealrickylo)

 

Si Lo ay naging entertainment editor ng The Philippine Star simula nang 1986 hanggang sa kaniyang mga huling sandali.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ricky Lo (@therealrickylo)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ricky Lo (@therealrickylo)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ricky Lo (@therealrickylo)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ricky Lo (@therealrickylo)

 

Bukod sa kaniyang karera bilang entertainment journalist, naging bahagi rin ng iba’t ibang entertainment talk shows si Lo, tulad ng The Buzz sa ABS-CBN at Startalk sa GMA7.

Sa kaniyang mahabang panahon bilang entertainment journalist, isang libro rin ang nagawa ni Lo, ang Conversations with Ricky Lo, noong 2001 kung saan nakapaloob ang kaniyang 42 exclusive at remarkable interviews sa iba’t ibang showbiz personalities.

Humakot rin ng pagkilala ang veteran entertainment journalist mula sa iba’t ibang award-giving bodies para sa kaniyang ambag sa larangan ng pagbabalita.

Sa ngayon, hiling lamang ng pamilya at mga naiwan ng veteran entertainment journalist na respetuhin ang pagluluksa sa biglaang pagpanaw ng kanilang kapamilya.