• Home
  • Fresh Scoops
  • Natuwa sa sweet surprise ng mag-asawang Guidicelli si Megastar Sharon Cuneta.

Sharon Cuneta, nakatanggap ng ‘surprise’ mula kay Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli

Natuwa sa sweet surprise ng mag-asawang Guidicelli si Megastar Sharon Cuneta.

BY
Ann Manhit

FRESH SCOOPS

05/05/2021 04:06 PM
Sharon Cuneta, nakatanggap ng ‘surprise’ mula kay Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli
Photo Credit: @sarahgeronimoshots and @sharoncunetanetwork Instagram

Nagpasalamat si Sharon Cuneta sa kanyang social media sa celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, para sa isang munting sorpresa na ipadala nila para sa kanya. 

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang picture ng Cereal Milk Tres Leches Cake na gawa mismo ni Sarah na making kasamang handwritten note ng mag-asawa. 

Sinabi ni Sharon na namimiss na niya ang singer. 


“Thank you dear bunso @justsarahgph for the yummy Cereal Milk Tres Leches Cake that you made for me! Uuyyy nagbebake na si misis! Hahaha! Miss you and love you always! ❤️Ate," aniya. 

 

 

Naging malapit si Sarah sa Megastar sa pamamagitan ng kanilang common friend na si Judy Ann Santos. 

Samantala, kamakailan lang ay masayang ibinahagi nina Sarah at Matteo sa Instagram Stories ang kanilang excitement sa first sale ng kanilang cupcake business  at nabili ito sa halagang 200 pesos. 

Madalas din ipagmalaki ni Matteo ang mga binebake na cakes ni Sarah sa kanyang social media account. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

 

“My wife’s Lemon Blueberry Buttermilk cake will blow your mind. #shesthebest” ani ng aktor sa isa sa kanyang mga post.