• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon sa beauty queen at aktres na si Kylie Verzosa, karamihan sa kanyang sapatos ay regalo mula sa kanyang boyfriend na si Jake Cuenca.

Kylie Verzosa, ipinasilip ang kanyang sneaker collection

Ayon sa beauty queen at aktres na si Kylie Verzosa, karamihan sa kanyang sapatos ay regalo mula sa kanyang boyfriend na si Jake Cuenca.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/05/2021 11:09 AM
Kylie Verzosa, ipinasilip ang kanyang sneaker collection
Screenshot from Kylie Verzosa YouTube Channel

Natupad ang hiling ng mga taga-hanga ni Kylie Verzosa nang ipinasilip niya ang kanyang sneaker collection sa kanyang pinakabagong vlog.

Ayon sa beauty queen at aktres, karamihan sa kanyang sapatos ay regalo mula sa kanyang boyfriend na si Jake Cuenca. 


"Actually, maraming nagtatanong sa akin kung sneakers or heels and ako, mas prefer ko talaga 'yung sneakers. Alam niyo naman guys na kuripot ako sa sarili ko, so this really wouldn't be possible if not for Jake. Siya talaga 'yung bibili sa 'kin ng sapatos ko dahil nga when I get something, mas gusto ko kasi talaga na sinesave ko 'yung money ko or nagbibigay na lang ako ng mga gifts. So yeah," paliwanag niya.

Isa sa mga ipinakita ni Kylie ay ang kanyang Nike Blazer Mid Off-white sneaker na ang resale price ay nagkakahalagang 90,000 pesos.

"I bought these in London... I had to buy them for resale. Medyo mahal. I think I bought them for like 60k or something. But I was, like, it's worth it and the price will increase," aniya. 

Ibinida rin ni Kylie ang kanyang Off-White x Air Jordan 4 “Sail” sneaker na nagkakahalagang P75,000.

"I've been looking for this shoe, siguro last year October - November. Actually the resale when it first came out reached P100,000. Parang same price sa mga Dior Jordans and I was, like, it's crazy for a shoe and I wouldn't spend a P100,000. I got these at resale for a really good price... I got this after ginawa ko 'yung movie ko just like a reward for myself," kwento niya.

BASAHIN: Kylie Verzosa sa pag-aartista: ‘Kakainin ka nang buhay ng industriya kapag masyado kang shy’

Ayon kay Kylie, marami man siyang designer na sapatos ay hindi niya ito itinuturing na investment. 

"Honestly I don't really consider shoes or clothes as investments. I consider, you know, real estate investments, having land, condo, or a house. These are just something na I reward myself with," paliwanag niya.

Dagdag pa niya, nagpapasalamat siya na nasa punto na siya ng kanyang buhay na kaya na niyang magkolekta ng mga mamahaling sapatos. 

"It's not to show off but when I see this collection sometimes in the closet, I'm, like, wow. Usually, parang isa lang talaga 'yung sapatos ko dati or dalawa. So when I see this, I just feel so grateful na I'm at this point right now when I really worked hard and having a partner who is so generous also," aniya.