Jayda, handa nang magpasiklab sa unang major concert

Tickets para sa “Jayda in Concert” mabibili na!

BY
ABS-CBN Corp. Comm.

FRESH SCOOPS

05/04/2021 12:05 PM
Jayda, handa nang magpasiklab sa unang major concert
Photo Credit: @jayda Instagram

Magaganap na sa June 26 (Sabado) ang kauna-unahang major concert ng Kapamilya singer-songwriter na si Jayda na tiyak na magniningning sa kanyang natatanging talento sa musika.

Mapapanood ito sa digital sa pamamagitan ng KTX.ph, iWantTFC, at TFC IPTV at magkakaroon pa ng re-run sa June 27 (Linggo).

Hatid ang “Jayda in Concert” ng ABS-CBN Events at Phenomenal Entertainment at pangungunahan ni Frank Mamaril bilang director kasama si Iean Iñigo bilang musical director.


Nito lamang Pebrero, inilabas ni Jayda ang kanyang isinulat na “Paano Kung Naging Tayo” single na may music video na siya rin mismo ang nagprodyus at nagdirek.

Kabilang rin ang showbiz royalty sa all-female multinational collaboration na “HEAL” na inilabas noong 2020.
 
Ilan pa sa kanyang mga patok na awitin ang “Perfectly Imperfect” kasama si Jeremy G, “Sana Tayo Na” kung saan ka-duet naman niya si Darren Espanto, at ang “Happy For You” na nagbigay karangalan sa kanya sa Awit Awards 2019 para sa kategoryang Best Performance by a New Female Recording Artist.  

Mabibili na ang tickets para sa “Jayda in Concert” sa KTX.ph, iWantTFC, and TFC IPTV for sa halagang P499.

May handog ding VIP tickets ang KTX na bukod sa concert ay magbibigay access din sa VIP party sa Zoom kasama si Jayda sa halagang P799.

Abangan ang “Jayda in Concert” live sa June 26 (Sabado), 8 pm at ang re-run nito sa June 27 (Sunday), 10 am. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).