• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Candy, ang ama ng kanyang anak ay nagsabi na makikikipaghiwalay na ito sa kanya kahit nagdadalang tao pa lamang siya.

Candy Pangilinan on her failed marriage: ‘Feeling mo people will change, a baby will save it, but no’

Ayon kay Candy, ang ama ng kanyang anak ay nagsabi na makikikipaghiwalay na ito sa kanya kahit nagdadalang tao pa lamang siya.

BY
Ann Manhit

FRESH SCOOPS

05/04/2021 11:46 AM
Candy Pangilinan on her failed marriage: ‘Feeling mo people will change, a baby will save it, but no’
Screenshot from Celestine Gonzaga-Soriano YouTube Channel

Naging open book si Candy Pangilinan sa kanyang interview sa vlog ni Toni Gonzaga. Isa sa kanilang mga napag-usapan ay ang kanyang marriage at paano ito nagwakas sa loob lamang ng isang taon.  

31 years old lamang si Candy noong pinakasalan niya ang kanyang longtime boyfriend. 10 years din silang magkarelasyon nito. Ani ng comedienne, may mga mali na sa kanilang relasyon pero pinilit niyang isinasalba ito. 

 


 

“Even before kami kinasal, meron na akong mga nahuli, pero kasi ‘di ba, 'yung babae, feeling mo people change. Feeling ko a baby will save it kaya nag-decide ako mabuntis. So nabuntis ako, but no,” lahad niya. 

Bago pa man siya magsilang, nagsabi na daw ang kanyang ex-husband na iiwan na siya nito. 

“Sinasabi niya sa akin na iiwanan niya ako. Sinasabi naman niya sa akin. At least, nag-aabiso. In-inform ako. ‘Kapag lumabas iyan, at least merong (souvenir).’ Hindi ko makakalimutan 'yun. I was very pregnant then,” pagbabahagi pa ni Candy sa masaklap na nangyari. 

READ: Candy Pangilinan recalls hosting a graduation ceremony for son with autism

Ayon pa kay Candy, buti na lang at naging parte siya ng sitcom na “Whattamen” sa ABS-CBN dahil ito lamang ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob noon. 

“After a month I gave birth, umalis na nga siya. Hindi na siya umuwi. Nagpaalam naman siya sa akin. Sinabi niya mag-go-golf siya. Tapos hindi ko na alam kung anong butas ang tinira niya. Hindi na siya umuwi. Baka nakalaban niya si Tiger Woods. Hindi ako na-inform,” aniya.

 

 

Sa sobrang pag-iisip ay kumonsulta na si Candy sa isang psychiatrist. 

“Kasi sinasabi ng ex ko before, baliw daw ako. 'Baliw ka kasi pinaghihinalaan mo akong may babae.' So, baliw ako? Kaya siya umalis kasi baliw ako? Pero feeling ko talaga, meron. So nagpa-check talaga ako sa doctor kung talagang baliw ako,” aniya. 

Nang tanungin siya ni Toni kung bakit niya ipinaglaban pa ang kanilang relasyon, sagot lamang ni Candy ay: “Alam mo 'yung minsan kasi when you get everything you want, feeling mo kontrolado mo. 'Hindi, kaya ko ito. Kaya ko ito.’ Para siyang laruan na hindi ko makuha. Naging challenge na. 'Tsaka in love ako, pinakasalan ko. Umabot ako sa, kailangan ko patawarin. Sabi sa Bible, patawarin ko ito.”

Bukod sa isang doktor, ay nagkaroon din ng isang spiritual counselor si Candy at dito nag-iba ang pananaw niya sa buhay. 

“There were so many signs in front of us pero dahil sa tigas ng ulo, dahil gusto natin, we still continue what we want even though God is sending us so many signs. Nandiyan na sa harapan mo, alam mo na eh. Pero ang tigas ng ulo mo. You don’t want to follow God’s will and God’s hand,” kwento pa niya.

Kahit pa masaklap ang nangyari, ay itinuturing pa din itong blessing ni Candy at ito ang naghanda sa kanya para harapin ang kondisyon ng kanyang anak na si Quintin. 

 

 

“Everything was a blessing. 'Yung hiwalayan, parang hinanda ako ni Lord. Binago niya 'yung pagkatao ko, 'yung mindset ko, 'yung perception ko about things para handa ako for Quintin.”