• Home
  • Fresh Scoops
  • Tinanghal na grand winner ng ikatlong season ng ‘Your Face Sounds Familiar’ si Klarisse de Guzman.

Klarisse de Guzman, grand winner ng ‘Your Face Sounds Familiar’ Season 3

Tinanghal na grand winner ng ikatlong season ng ‘Your Face Sounds Familiar’ si Klarisse de Guzman.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/31/2021 09:12 AM
Klarisse de Guzman, grand winner ng ‘Your Face Sounds Familiar’ Season 3

Tinanghal na grand winner ng ikatlong season ng Your Face Sounds Familiar si Klarisse de Guzman.

Noong Sabado, Mayo 29, pinabilib ni Klarisse ang mga hurado at mga manonood sa kanyang pag-awit ng kantang "Over the Rainbow" bilang si Patti Labelle para sa kanyang final performance. 

Nakakuha siya ng accumulated score na 90, dahilan para maiuwi niya ang titulo bilang champion ng Your Face Sounds Familiar Season 3. 


"Sobrang hindi po ako makapaniwala kasi sobrang tagal ko na ring pinangarap na makahawak ng trophy as a title. Ito na po 'yun. Maraming maraming salamat po," ani Klarisse.

"Hindi ko po makakalimutan 'tong experience na 'to kasi parang iniba niya ako. Na-try ko 'yung mga bagay na hindi ko nagagawa dati," dagdag pa niya. 

Nag-uwi si Klarisse ng premyong 1 million pesos at house and lot mula sa Lessandra.

Samantala, nag-second place naman ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Lie Reposposa para sa kanyang paggaya sa OPM icon na si Dulce. Si Vivoree Esclito—na isa ring dating PBB housemate—ay nanalo naman bilang third placer para sa kanyang paggaya kay Ariana Grande. 

BASAHIN: Vivoree Esclito wows as Sarah Geronimo in ‘Your Face Sounds Familiar’

Bukod sa tatlo, naging parte rin ng Your Face Sounds Familiar Season 3 sina Geneva Cruz, Jhong Hilario, Christian Bables, CJ Navato, at ang iDolls trio na sina Lucas Garcia, Matty Juniosa, at Enzo Almario.

Taong 2015 ng unang pinalabas ang Pinoy version ng Your Face Sounds Familiar. Simula noon ay nagkaroon na ito ng apat na season—dalawang regular at dalawang kids edition.