• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagbiro naman si Paolo Contis na huwag sana umanong magparamdam sa kanyang ang bokalista ng Slapshock kung may ride siya.

Paolo Contis, ibinida ang ipinamanang motorsiklo ng yumaong Slapshock vocalist na si Jamir Garcia

Nagbiro naman si Paolo Contis na huwag sana umanong magparamdam sa kanyang ang bokalista ng Slapshock kung may ride siya.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

05/30/2021 09:29 PM
Paolo Contis, ibinida ang ipinamanang motorsiklo ng yumaong Slapshock vocalist na si Jamir Garcia
Photo Credit: @paolo_contis on IG

Ibinida ng aktor na si Paolo Contis ang ipinamana sa kanyang motorsiklo ng yumaong si Jamir Garcia na kilala bilang frontman ng rock band na Slapshock.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)


 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Paolo ang mga litrato nila ni Jamir habang nakasakay sa nasabing motorsiklo.

This was my kumpare’s toy,” saad ni Paolo sa caption ng kanyang post. Dagdag pa ni Paolo: “And now, nasa akin na siya.”

Nagpasalamat naman si Paolo sa tiwalang ibinigay sa kanya ng partner ni Jamir na si Jaya.

Read:Slapshock vocalist Jamir Garcia reportedly dead

Ani Paolo: “Thank you @mommy_jaya at sa akin mo ito pinag katiwala. Aalagaan ko to promise!”

Nalungkot naman si Paolo dahil sa hindi na aniya niya makakasamang magmotorsiklo ang kanyang kaibigan.

Bro, sayang hindi natin nagawang mag ride ng magkasama,” ani Paolo.

Pabiro naman nitong sinabi na sana’y hindi magparamdam ang kanyang kaibigan sakaling bumiyahe siya sakay ito.

Read:Partner ni Jamir Garcia, umaasa na mailalabas ang mga bagong kantang ni-record ng singer

Pakiusap ko lang sana sa ‘yo, huwag kang aangkas sa likod ko pag gamit ko tong motor ha! [laughing emojis] Miss you brotha!

Tingnan ang larawan sa ibaba:

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

 

Nobyembre ng nakaraang taon nang pumanaw si Jamir.