• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Lorin Gutierrez kung ano ang best advice ng kanyang inang si Ruffa sa kanyang pagpasok sa showbiz.

BAWAL ANG BOYFRIEND: Ruffa Gutierrez may restrictions kay Lorin sa pagpasok nito sa showbiz

Ibinahagi ni Lorin Gutierrez kung ano ang best advice ng kanyang inang si Ruffa sa kanyang pagpasok sa showbiz.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/30/2021 08:30 AM
BAWAL ANG BOYFRIEND: Ruffa Gutierrez may restrictions kay Lorin sa pagpasok nito sa showbiz
Photo credit: @iloveruffag Instagram

May ibinigay na restrictions si Ruffa Gutierrez sa anak niyang si Lorin ngayong pinasok na rin nito ang pag-aartista. Isa na raw dito ay bawal muna siyang magkaroon ng boyfriend. Hindi rin daw niya dapat pabayaan ang kanyang pag-aaral.

“Of course, no boyfriend. Then, to focus on studies, focus on my career. She just tries to instill in me that I should focus on myself rather than focusing on other people first,” kuwento ni Lorin sa PUSH.

Naiintindihan naman daw niya kung bakit may ganung restrictions ang kanyang ina.


READ: Lorin Gutierrez pinasok na rin ang showbiz pero walang balak mag-join ng beauty pageant

“Parang hindi naman siya nagsasabi na walang boyfriend because she’s too overprotective, but because she’s looking out for me and obviously she wants the best for me. And I think because I’m still too young and I’m just starting out my career, I’m just starting my life, there’s no need for me to focus on another person as much as I’m focusing on myself. So, that’s her main restriction,” lahad pa ng dalaga na kapipirma lang ng exclusive management contract sa Viva Artists Agency.

Ibinahagi rin ni Lorin na alam niyang malaki naman ang tiwala ng kanyang mga kapamilya sa naging desisyon niya na pasukin na rin ang mundo ng showbiz na kinalakihan na ng mga Gutierrez.

Ani Lorin, “They trust me naman. They trust my judgement. They let me do what I want. Of course, they give me advice when I ask for it but I think my mom wants me to make my own naman for myself and let me follow my own path and my passion. So, she lets me have control of that naman po.”

Ano ba ang best advice na ibinigay sa kanya ni Ruffa  na babaunin niya sa kanyang showbiz journey?

Tugon ng newbie star, “Actually the best advice that she gave me was something super small na I think a lot of people forget but super important. Sabi niya, ‘Whenever you go on set, to be super respectful to everyone. Make sure you say hi, thank you, goodbye to every single person on set especially your elders, your veteran actors who are working with you.’

READ: Lorin Gutierrez on doing sexy roles: ‘That’s a definite no!’

“Ang dami niya kasing horror stories na nasa set ’yong mommy ko tapos ’yong mga bagong artista hindi nambabati, ganyan. As an artist, especially I’m starting out, I know my place naman and I know I’ve to work my way up. And I think it’s super important to be respectful to everyone you work with and to be kind to everyone you work with.

“And I think that’s something young artists or anyone who wants to join showbiz should remember and understand—it’s to make bati to everyone and to be respectful of everyone on the set,” dagdag na paliwanag ni Lorin.