• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa kanyang Instagram, maiksi pero matamis ang naging pagbati ng aktor na si Aga Muhlach para sa asawang si Charlene Gonzalez.

Aga Muhlach, may mensahe para sa kaarawan ni Charlene Gonzalez

Sa kanyang Instagram, maiksi pero matamis ang naging pagbati ng aktor na si Aga Muhlach para sa asawang si Charlene Gonzalez.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

05/03/2021 03:23 PM
Aga Muhlach, may mensahe para sa kaarawan ni Charlene Gonzalez
Photo Credit: @agamuhlach317 Instagram

Ibinahagi ni Aga Muhlach ang kanyang mensahe para sa kaarawan ng kanyang asawa na si Charlene Gonzalez.

Nagdiwang ang dating beauty queen at host ang kanyang ika-47 kaarawan noong Sabado, Mayo 1.

Sa kanyang Instagram, maiksi pero matamis ang naging pagbati ni Aga para sa asawa.


"Happy birthday to the love of my life!!! I got your back, B! God bless your good heart. We love you very much!!!" ani Aga.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aga Muhlach (@agamuhlach317)

 

Magda-dalawang dekada nang kasal sina Aga at Charlene.

Ikinasal sila noong Mayo 28, 2001. Mayroon silang kambal na anak—sina Atasha at si Andres.

BASAHIN: ‘I’d love to’: Atasha Muhlach says she is open to joining showbiz

Sa isang panayam, ibinahagi ni Aga ang sikreto sa kanilang masayang pagsasama bilang mag-asawa. 

"[Communication.] Every day when we wake up, we have our coffee and we just talk, talk, talk. If I don't have work, we just talk until it's about lunchtime already," ani ng aktor.

"My wife makes it work," dagdag pa niya. "My wife is—parang anghel talaga na pinadala sa akin. Hindi ako nagkamali, nakita ko talaga iyon before I even proposed to her. I saw ilaw talaga."