• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya ang mga artistang kaibigan ni Riva Quenery tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Panoorin kung paano sinopresa ni Riva Quenery ang mga kaibigang artista tungkol sa kanyang pagbubuntis

Masaya ang mga artistang kaibigan ni Riva Quenery tungkol sa kanyang pagbubuntis.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

05/28/2021 11:00 AM
Panoorin kung paano sinopresa ni Riva Quenery ang mga kaibigang artista tungkol sa kanyang pagbubuntis
Screenshot from Riva Quenery YouTube Channel

Masaya ang mga artistang kaibigan ni Riva Quenery para sa bago nitong papel na gagampanan bilang isang ina. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RIVA QUENERY (@riva)


 

Sa pinakabagong vlog na inilabas ng aktres, makikita ang iba’t-ibang reaksiyon ng kanyang malalapit na kaibigan at kamag-anak nang ikuwento niya ang tungkol dito. 

Ilan sa mga artistang sinabihan niya ay ang mga kapwa niya Kapamilya stars gaya nina Awra Briguela na palagi niyang nakakasama sa kanyang mga vlogs, Liza Soberano, at Kathryn Bernardo na parehas niyang nakasama sa mga programa ng ABS-CBN. 

“Wag na wag kang magpapaka-stress. Lagi ka dapat happy,” mensahe ni Awra para sa kanyang Ate Riva. 

Gaya ng ibang sinabihan ni Riva, inakala din nina Liza at Kathryn na prank lang ang lahat ito. 

Saad ni Liza, “No you're kidding? Prank ba 'to?. Alam mo kinakabahan talaga ako nung sinabi mo. Sabi ko, 'Ipa-prank ba ako nito?’”

READ: Riva Quenery gives a glimpse of the house she built for her family

Nang tanungin naman kung ilang buwang buntis na ito, sinabi ni Riva na limang buwan na siyang nagdadalang-tao.

Dito, inamin din ni Riva na positibo na siya noon sa COVID-19 nang malaman niyang nagdadalang-tao siya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RIVA QUENERY (@riva)

 

Sambit ni Kathryn: “What?! This is a prank, guys. ... Totoo? ... Oh my God. ... Tinotoo mo 'yung role mo ha?” Ang tinutukoy ni Kathryn ay ang role ni Riva sa The House Arrest of Us kung saan buntis din ang kanyang karakter.

"Yung pinaka-major diyan 'yung sa parents, tapos okay sa kanila, okay sa inyo. That's nice, okay 'yan. Congratulations,” ani pa ni Kathryn. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Ilan pa sa mga celebrities na sinabihan ni Riva tungkol sa kanyang pagbubuntis ay sina Ruffa Gutierrez, Arlene Muhlach, at Alora Sasam.

Unang inanunsyo ni Riva ang kanyang pagdadalang-tao sa anak nila ng kanyang partner na si Vern Ong sa isang vlog na inilabas niya sa YouTube. 

READ: Riva Quenery buys five-million peso luxury car at 21