• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Jobert Austria, ang mga nakapaligid sa kanyang ina ang tila mga nanghihingi ng pera mula sa kanya.

Biological mom ni Jobert Austria na di niya nakita ng 50 taon nagagamit para huthutan siya ng pera

Ayon kay Jobert Austria, ang mga nakapaligid sa kanyang ina ang tila mga nanghihingi ng pera mula sa kanya.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/28/2021 04:01 PM
Biological mom ni Jobert Austria na di niya nakita ng 50 taon nagagamit para huthutan siya ng pera
Screenshot from KuyaJobert TV YouTube Channel

Inamin ng Kapamilya comedian na si Jobert Austria sa vlog ni Ogie Diaz na nakaramdam siya ng disappointment pagkatapos nang pagkikita nilang kanyang biological mother na si Armanda Villanueva na hindi niya nakasama for almost 50 years. Si Jobert ay ipinaampon ng kanyang ina when he was still a baby at iba ang kinalakihang magulang.

Naganap ang pagkikita nina Jobert at ng tunay niyang ina noong May 7, 2021 na naging content din ng YouTube channel ng aktor.

READ: Jobert Austria at biological mom na ipinaampon siya noong sanggol pa siya nagkita pagkatapos ng 50 taon


“Pagkatapos kong makilala ang nanay ko, siyempre, pakiramdam ko tuwang-tuwa ako. Tsaka relieved ako sa sobrang tagal na panahon, ang dami kong tanong sa kanya at yung mga sama ng loob ko sa kanya.

“Nagpapasalamat ako sa Diyos na finally napatawad ko siya, nakita ko siya at nasabi ko yung mga gusto kong sabihin sa kanya mula nu’ng bata pa ako hanggang tumanda ako,” kuwento ng komedyante sa vlog.

Bagama’t hindi raw siya nakarinig ng sorry mula sa ina ay pinatawad pa rin daw niya ito sa pang-iiwan sa kanya noongbata pa siya.

“Actually, hindi siya nag-sorry. Wala siyang ano, dahil siguro may edad na siya, pero honestly, hindi ko nakita yung remorse, eh.

“Pero may guilt. Nahihiya siya. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso. Siguro ganu’n naman talaga ang mga nagkakamali, di ba?

“Unang-una, siyempre, bilang nanay nakaharap mo yung anak mona ipinamigay mo, mahihiya ka talaga. Pero katulad nga ng sinabi ko, walang nanay siguro na ipamimigay ang anak niya nang walang dahilan,” patuloy na salaysay ni Jobert.

Dugtong ulit niya, “Ang mga nanay kasi nagsasakripisyo yan kahit na mahirapan sila para lang sa ikagaganda ng buhay ng anak nila. So maybe, meron talagang magandang dahilan. So, hindi siya nag-sorry pero pinatawad ko pa rin siya.”

Sa mga sumunod na pahayag ni Jobert ay binanggit na niya ang tungkol sa mga problemang sumalubong sa kanya pagkatapos ng kanilang pagkikita ng ina lalo na sa usaping pera.

Lahad niya, “Ang hindi ko lang nagustuhan, siguro sa pagkikita namin ng nanay ko at siguro ang kinatatakutan din ng karamihan na matagal nang di nakita ang nanay nila ay yung fear na pag nagkita sila ay may mga problemang sasalubong sa iyo.

“Actually, nung nagkita kami ng nanay ko okey naman kaming dalawa, eh. Siya nga nahihiya, eh, pero tinulungan ko siya nung naghiwalay kami. Kaya lang, ang problema lang, nagagamit yung pagkikita namin ng nanay ko, di ba?”

“Sabihin man natin o hindi, ayon na yung biglang nagkakasakit na daw siya. Hindi naman siya ang nagsabi nu’n, yung mga taong nakapaligid sa kanya. Tapos minsan, baka akala, eh, responsibilidad mo lahat nung responsibilidad ng nanay mo. When in fact, ang responsibilidad ko lang naman talaga kaya kami nagkita at resposibilidad ko sa Diyos, eh yung nanay ko,” paliwanag ng komedyante.