• Home
  • Fresh Scoops
  • Kumakalat ngayong mga video ni Julia Barretto kung saan makikitang kumakain ito ng isaw.

Netizens, duda na first time kumain ni Julia Barretto ng isaw sa vlog ni Gerald Anderson

Kumakalat ngayong mga video ni Julia Barretto kung saan makikitang kumakain ito ng isaw.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/27/2021 05:14 PM
Netizens, duda na first time kumain ni Julia Barretto ng isaw sa vlog ni Gerald Anderson
Photo credit: @Nitro_Jen1990 Twitter

Gulong-gulo ngayon ang mga netizens kay Julia Barretto matapos lumabas ang mga litrato ng aktres na kumakain ng street food kasunod ng pahtanggi niya na hindi pa siya nakakakain nito kahit kailan.

Sa vlog ng nobyo na si Gerald Anderson, tumikim si Julia ng iba’t-ibang street food gaya ng kwek-kwek, balun-balunan, at binatog. Ani Julia, hindi pa umano siya nakakakain ng street food kahit kailan. 

“Never ever … only for you,” sagot ni Julia kay Gerald nang tanungin siya sa nasabing video kung hindi pa siya kumakain ng isaw sa tanang buhay niya. 


WATCH: Julia Barretto and Gerald Anderson play ‘Never Have I Ever’ in latest vlog together

Matapos tikman ng isaw, muling tinanong ni Gerald si Julia tungkol sa isaw at sinabing hindi pa niya ito nagustuhan. 

Ngunit hindi nagtagal at lumabas din ang iba’t-ibang mga video kasama ang dati dating love team partner na si Ronnie Alonte habang kumakain ng isaw habang naririnig na sinasabing “It’s good.” 

Tingnan ang mga nakakatawang reaksiyon ng netizens sa ibaba: 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Dumepensa naman ang ilang netizens at sinabing marahil ay nakalimutan lamang ito ng aktres.

Samantala, mapapanood naman ang kabuuan ng nasabing vlog sa ibaba:

Naging bukas na sina Gerald Anderson at Julia Barretto nang aminin nila ang tungkol sa kanilang relasyon Marso nitong taon. 

Halos dalawang taon din matapos pumutok ang tsismis na may namamagitan sa kanila bago nila kumpirmahin ang tungkol sa kanilang relasyon.