• Home
  • Fresh Scoops
  • Agaw pansin ang closeness ngayon nina Andre Brouillette at Rabiya Mateo.

Andre Brouillette, binabakuran na nga ba si Rabiya Mateo?

Agaw pansin ang closeness ngayon nina Andre Brouillette at Rabiya Mateo.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/27/2021 09:55 AM
Andre Brouillette, binabakuran na nga ba si Rabiya Mateo?
Photo credit to @rabiyamateo and @andrebrouillette Instagram

Kasunod ng bali-balita na hiwalayan nina Rabiya Mateo at nang kaniyang longtime boyfriend na si Neil Salvacion, maugong ngayon ang tila pagiging malapit ng Pinay beauty sa former Pinoy Big Brother housemate na si Andre Brouillette.

READ: Rabiya Mateo, single na nga ba ngayon?

Sa mga uploaded social media post ng former PBB housemate, tila isa si Andre sa mga laging kasama ni Rabiya na nag-extend ng kaniyang bakasyon sa Amerika kung saan ginanap ang 69th Miss Universe pageant.


Video courtesy @Andreibrouillette IG

Isa rin si Andre sa mga nanood ng live sa 69th Miss Universe pageant kung saan lumaban si Rabiya. Bukod sa pag-cheer ni Andre sa Pinay beauty, present rin ang model-actor sa ilang importanteng gatherings na pinuntahan ni Rabiya.

 

 

Bukod sa madalas na pagsama sa mga gatherings na pinupuntahan ni Rabiya, tila palaisipan rin sa netizens ang tuksuhan ni Andre at ng isa sa kaniyang kaibigan sa isang social media post na may caption na, “Me and my boy with Miss Universe Philippines! Good luck Rabiya,” sambit ni Andre sa kalakip ang kanilang retrato.

 

 

Sa comment section, makikita ang tuksuhan na “Bakit ang happy mo?” na sinagot agad ni Andre ng “Ikaw mas masaya” na may laughing emoji.

Bagaman umuugong ngayon ang pagkakalabuan umano ni Rabiya at ng non-showbiz boyfriend nito, isang recent social media post naman ang ibinahagi ni Andre kung saan kasama niyang nagtatanghalian si Rabiya.

“Lunch with the lovely and beautiful Miss Universe Philippines @rabiyamateo  🇵🇭” caption ni Andre kung saan kasama rin ang isang publicist.

 

 

Si Andre ay kasalukuyang nasa Amerika at isa sa mga talent ng Mercator Model Agency na agency ng pageant expert na si Jonas Gaffud.

Nakilala si Andre nang sumabak siya sa Pinoy Big Brother: Otso. Si Andre rin ang naging ka-tandem ni Lou Yanong na minsan rin naging karelasyon ng modelo.

READ: Lou Yanong, Andre Brouillette, hiwalay na

Hindi man kumpirmado ang real score sa pagitan ni Rabiya at Andre, marami pa rin ang nag-aabang sa mga future plans ng Pinay beauty queen after ng kaniyang laban sa katatapos lang na Miss Universe.