• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Robi Domingo na seloso siya pagdating sa kanyang nobya na si Maiqui Pineda.

Robi Domingo, aminadong seloso

Aminado si Robi Domingo na seloso siya pagdating sa kanyang nobya na si Maiqui Pineda.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/26/2021 09:14 AM
Robi Domingo, aminadong seloso
Screenshot from Kathryn Bernardo YouTube Channel

Aminado si Robi Domingo na seloso siya pagdating sa kanyang nobya na si Maiqui Pineda.

Sa pinakaunang episode ng bagong segment ni Kathryn Bernardo para sa kanyang vlog na pinamagatang "TGIS", tila nagulat ang aktres nang aminin ng television host na seloso siyang nobyo.


"Oo. Dati may pagkakataon na... kasi close siya sa kanyang circle of friends na nandoon yung mga exes niya. ... And ako, hindi ko kayang lunukin 'yun. Tapos minsan wala pa 'ko doon kasi barkada nights. Parang napa-praning ako, 'Anong gagawin ko pare, bro? Tatawagan ko ba?' Kapag tinawagan ko masyado naman akong [controlling]," pag-amin ni Robi.

Ngunit aniya, malaki ang tiwala niya sa kaniyang nobya kaya hinahayaan na lamang niya ito. 

"Ang iniisip ko na lang, pabayaan ko na lang. Pabayaan na lang kita, kasi maliban sa trust kita, kapag may ginawa kang mali, ang repercussions, alam mo naman," sabi ni Robi.

Sa parehas na episode, naging bukas din si Robi tungkol sa relasyon nila ni Maiqui, na mahigit dalawang taon na niyang kasintahan.

 

 

"Initially, hindi namin type ang isa't isa. Ako mahilig ako sa chinita ... [But] I fell in love constantly with her. Kasi there's another world na nakikita ko sa kanya. And also, she puts my feet down. 'Yun yung pinakamasarap na pakiramdam kapag kasama ko si Maiqui. Everything's real, pero lahat ng pangarap ko parang natupad ko sa kanya," aniya.

Patuloy pa niya: "Ang paniniwala ko, love is serendipitous. Kapag dumating yung tamang tao sa tamang panahon, for me, 'yun yung perfect love. Kasi puwedeng dumating yung tamang tao pero marami ka pang kagustuhan before, iba yung priorities mo, iba yung responsibilities mo. May mga gusto ka pang maabot sa sarili mo lang, and that's okay. May dumarating din na pagkakataon, pero hindi naman siya yung perfect na tao, yung tamang tao para sa 'yo. 'Pag naghalo na yung dalawang konseptong 'yun—timing at right person—then I think 'yun na 'yun. And I think 'yun yung meron sa amin."

BASAHIN: Robi Domingo shares birthday message for girlfriend

Nang tanungin naman ni Kathryn kung napag-uusapan na ba nila ni Maiqui ang pagpapakasal, inamin ni Robi: "We've been talking about it for quite some time now, lalong lalo na we're not getting any younger. And 'yun naman yung mga inaayos ko na ngayon.

"So, in the coming years, you would be one of the first people who would know kung I would be bending the knee. I'm so excited for that one," dagdag pa niya.