• Home
  • Fresh Scoops
  • Palaisipan ngayon sa netizens ang biglang pagkalaho ng mga retrato ni Rabiya Mateo sa Instagram account ng non-showbiz boyfriend nito.

Rabiya Mateo, single na nga ba ngayon?

Palaisipan ngayon sa netizens ang biglang pagkalaho ng mga retrato ni Rabiya Mateo sa Instagram account ng non-showbiz boyfriend nito.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/26/2021 03:42 PM
Rabiya Mateo, single na nga ba ngayon?
Photo Credit: @rabiyamateo Instagram

Isang linggo matapos ang 69th edition ng Miss Universe pageant, all eyes ngayon ang maraming netizens sa iba’t ibang galaw ni Rabiya Mateo na naging representative ng Pilipinas.

RELATED ARTICLE: Rabiya Mateo, hindi pinalad sa Miss Universe

Kabilang sa mga sinusundan ngayon ng netizens ang personal na buhay ni Rabiya at ang love life ng Pinay beauty queen.


Bago pa man lumaban sa national pageant bilang Miss Universe Philippines, lantaran na sa publiko ang pagkakaroon ng longtime non-showbiz boyfriend ni Rabiya na si Neil Salvacion.

READ: Rabiya Mateo receives sweet birthday message from boyfriend

Si Rabiya at Neil ay six years in a relationship na bago pa man ang naging laban ng Pinay beauty sa dalawang magkasunod na pageant.

READ: Rabiya Mateo, nangako sa boyfriend na hindi ito iiwanan kahit na manalo ng Miss Universe Philippines

Kaya naman, tila palaisipan ngayon sa netizens ang biglang pagka-laho ng nga retrato ni Rabiya sa personal Instagram account ni Neil.

Hindi man malinaw ang tunay na dahilan, mas umugong ngayon ang espekulasyon ng netizens sa paghihiwalay ng dalawa dahil sa isang Instagram story ni Neil na may caption na “Today was a good day, have a goodnight everyone.”

Courtesy @Neilow Instagram story

Sa ngayon, kasalukuyan ngayong nasa America si Rabiya para sa isang personal na bakasyon kasama ang iba pang miyembro ng Miss Universe Philippines Organization.