• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagbigay na ng reaksiyon si Luis Manzano sa mga memes na nagsimula sa kasal nila ni Jessy Mendiola.

PANOORIN: Luis Manzano, nag-react sa kanyang mga kumakalat na memes

Nagbigay na ng reaksiyon si Luis Manzano sa mga memes na nagsimula sa kasal nila ni Jessy Mendiola.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/26/2021 11:15 AM
PANOORIN: Luis Manzano, nag-react sa kanyang mga kumakalat na memes
Screenshot from Luis Manzano YouTube Channel

May mga nakakatawang reaksiyon si Luis Manzano tungkol sa mga kumalat na memes sa kanya mula sa naganap na kasal nila ng kanyang asawa na si Jessy Mendiola. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)


 

Inilunsad ni Luis Manzano sa kanyang sariling YouTube channel ang Lucky TV kung saan maglalabas siya ng iba’t-ibang videos na ikatutuwa ng kanyang mga tagahanga. . 

“Basically, kahit anong pwede kong pagtripan, ‘yun ang gagawin ko. Tatawa tayo, iiyak, magpapa-game show, kahit ano’ng maisip niyo,” ani Luis. 

At dahil trending ang mga memes sa kasal nila ni Jessy Mendiola, sinubukan nitong magbigay ng mga nakakatawang reaksiyon tungkol dito. 

“Sa very first episode ng #LuckyTV, hinagilap ko yun malulupet na memes na nagkalat online, matapos namin i-announce ni Howhow yun wedding namin. Siyempre nag-react ako sa mga kalokohan niyong lahat! Ang tataba ng utak eh,” ani Luis. 

Umabot na umano sa 15 milyon ang naabot ng kanyang na post na halo-halo ang naging pagtanggap ng mga netizens. 

READ: Luis Manzano to release an online show with Long Mejia

“Mga 15 million or siguro dumadami pa ‘yung reach nu’ng post na ‘yun. So, ibig sabihin, nakapakarami sa inyo ang pinagtripan ang picture ko. Merong malulupit, merong mga laugh trip talaga, meron naman bastos, meron naman na medyo corny ng konti,” saad ni Luis. 

Nilikom ni Luis ang aniya’y pinakamalulupit na memes at saka niya ito ginawan ng mga reaksiyon. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Sa ngayon, may 216,000 subscribers na si Luis sa kanyang YouTube channel na unang nakilala sa kanyang segment na Luckyng Tulong. 

Sa nasabing online show, kasama ni Luis ang komedyanteng si Long Mejia sa pagpapatawa sa show na ngayon ay mayroon nang 27 episodes. 

Samantala, magkakaroon naman ng Lucky TV game show si Luis na dapat abangan sa kanyang YouTube channel.