• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakatanggap umano si Frankie Pangilinan ng mensahe mula sa Lungsod ng Makati na nagsasabing kwalipikado siya magpabakuna.

Frankie Pangilinan, itinangging sumingit sa pila ng pagpapabakuna

Nakatanggap umano si Frankie Pangilinan ng mensahe mula sa Lungsod ng Makati na nagsasabing kwalipikado siya magpabakuna.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/26/2021 10:28 AM
Frankie Pangilinan, itinangging sumingit sa pila ng pagpapabakuna
Photo Credit: @frankiepangilinan Instagram

Pinabulaanan ni Frankie Pangilinan na binigyan siya ng espesyal na pagtrato sa pagpila nang nagpabakuna siya kamakailan kontra COVID-19 sa Lungsod ng Makati. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by kakie (@frankiepangilinan)


 

Sa isang video na ibinahagi nito sa Twitter, makikitang tinuturukan ng bakuna ang panganay na anak nina Megastar Sharon Cuneta at Senador na si Kiko Pangilinan. 

Imbis na maglabas ng seryosong pahayag, pinili ni Frankie ang isang “lighthearted quip.” 

READ: Frankie Pangilinan lambasts netizen who accused her of causing Sharon Cuneta’s ‘intermittent anxiety attacks’

Saad ni Frankie: “When I got an asthma attack mid-PE in middle school and everybody made fun of me I swore I would get back at them one day and here we are.”

Dagdag pa niya: “All the melodic wheezing... all those times in the ER... have prepared me for this one moment... I feel alive and invincible... my ego has reached new uncertain heights…”

 

 

 

Ngunit hindi naman inaasahan ni Frankie na makakatanggap siya ng pambabatikos mula sa mga netizens lalo pa’t gusto lamang umano niya maging “transparent” sa kanyang mga tagahanga. 

“Made a lighthearted quip about it and wanted to be transparent, but even that was misconstrued. Everything I’ve done for the past year has been so dramatized and It’s [really] tiring guys,” ani Frankie. 

Itinanggi naman ni Frankie na sumingit siya sa pila at sinabing nakatanggap siya ng mensahe mula sa Makati government na nagsasabing kwalipikado siya makakuha ng bakuna. 

 

 

“Hi, I didn’t want to make this a big deal but have y’all ever thought maybe [people] have health issues [you] don’t know about,” sambit ni Frankie. 

Bagama’t may pag-aalinlangan mismo siya noong una, inisip na lamang umano niya na kailangan niya itong gawin para makamit ang herd immunity na inaasam ng lahat. 

READ: Frankie Pangilinan shares how she handles negativity

“I had my own initial qualms about going precisely [because] I thought [about] the [people] who might better qualify, but if we all think like that how are we ever going to achieve herd immunity? aApost a video on a public platform if I cut in line??? [Please] my goodness gracious,” saad pa niya. 

 

 

Sa huli, hinikayat ni Frankie ang kanyang mga followers sa Twitter na magpabukana para maproteksyanan nila hindi lamang ang kanilang mga sarili kundi pati ang miyembro ng kani-kanilang mga pamilya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by kakie (@frankiepangilinan)

 

“Hope you’re all safe and healthy. And if you qualify, PLEASE get vaccinated not only for [your] protection but for those around [you],” aniya.