• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Kathryn Bernardo, nais niyang lasapin muna nila ang buhay mag-asawa.

Kathryn Bernardo, ayaw magkaanak agad kung sakaling ikasal na sila ni Daniel Padilla

Ayon kay Kathryn Bernardo, nais niyang lasapin muna nila ang buhay mag-asawa.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

05/25/2021 11:24 AM
Kathryn Bernardo, ayaw magkaanak agad kung sakaling ikasal na sila ni Daniel Padilla
Photo Credit: @bernardokath Instagram

Ayaw muna umanong magkaanak ng aktres na si Kathryn Bernardo kung sakaling ikasal na sila ng nobyong si Daniel Padilla.

Sa unang episode ng kanyang bagong segment na "TGIS" sa kanyang YouTube channel, kung saan tampok ang host na si Robi Domingo, sinabi ni Kathryn na nais niyang lasapin muna nila ni Daniel ang buhay mag-asawa.


"Ayaw ko rin mag-anak agad. Sinabi ko sa kanya kasi gusto ko enjoy muna namin... Hindi kami naka-travel ngayon so 'yun yung gagawin. And then once I'm ready, once we're ready, no pressure naman na mag-baby agad after," aniya.

Pag-amin ni Kathryn, naiilang siya tuwing tinatanong ang mga showbiz couple—lalo na ang mga bagong kasal—kung kailan nila balak magkaanak.

"Actually, sometimes 'yun yung nailang ako sa mga tao na, 'di ba, ngayon parang tinatanong parati once kasal na yung mga showbiz couples especially, kailan kayo mag-anak? But for me, you respect the decision na iba iba yung couple, eh. kanya kanya tayo, eh," sabi niya.

Ayon kay Kathryn, una sa listahan nila ni Daniel kung sakaling ikasal sila ay ang pagkakaroon nila ng kanilang sariling tahanan.

"I think to maybe get our own place kasi feeling ko once you're married and you're starting a family na or yung partnership na yun or a deeper level, I think you need your space. So it's going to take time talaga. So 'yun 'yung first [plan]," paliwanag niya. 

 

 

BASAHIN: Kathryn Bernardo launches new segment ‘TGIS’ on YouTube channel

Siyam na taon nang magkasintahan sina Kathryn at Daniel.

Matatandaan na noong nakaraang taon, inamin ni Daniel na nais niyang pakasalan si Kathryn at kung posible ay bumuo ng pamilya kasama ang aktres bago sila tumungtong ng edad na 30.

“Why not? Why wait?" aniya. "Kung okay naman ang sitwasyon. At least kung hindi ka pa masyadong matanda, puwede ka pa makipaglaro. Kaya rin gusto ko siya maging goal, iyong edad.”

Sang-ayon naman umano ang aktres sa hiling ng kanyang nobyo.

“Actually, iyon naman talaga ‘yung plan. Of course, agree,” aniya. "Napag-uusapan naman namin ni DJ. I think nasa tamang age na kami para i-ready ang mga sarili namin ‘pag dumating tayo sa punto na ‘yon."

Paliwanag ni Kathryn, ito umano ang dahilan kung bakit todo-kayod sila ni Daniel sa trabaho—upang makapag-ipon para sa kanilang magiging pamilya.

“Iyon ‘yung dahilan kung bakit kami nagtatrabaho. Lahat ng kailangan i-ready. Kasi malaking step ‘yon. Pagdating doon, at least ready na kami, and relax na lang,” aniya.