• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Click, Like, Share’ stars Andrea Brillantes and Francine Diaz talk about being victims of this generation’s cancel culture online.

Andrea Brillantes and Francine Diaz hit back at bashers: ‘Sana mas ma-spread yung respect and love’

‘Click, Like, Share’ stars Andrea Brillantes and Francine Diaz talk about being victims of this generation’s cancel culture online.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

05/25/2021 09:39 AM
Andrea Brillantes and Francine Diaz hit back at bashers: ‘Sana mas ma-spread yung respect and love’
Photo Credit: @francinesdiaz and @blythe Instagram

With the upcoming premiere of their new iWantTFC digital anthology Click, Like, Share, Gold Squad members Andrea Brillantes and Francine Diaz shared the best and forgettable experiences they’ve had online. 

For Andrea, her first experience livestreaming while gaming online was not the best experience for her.

“Sa totoo lang, hindi ako marunong sa mga technie na stuff. Wala pa yung livestream hirap na ako mag-set up. Ang daming kailangan i-download at ayusin, dun pa lang pa-give up na ako kasi hindi na-handle ng utak ko yun eh. Sanay ako sa script, monologue, ganyan. Tapos hindi pa maayos yung wifi connection ko kaya inabot ng three parts ang livestream kasi hindi kinaya ng connection ko. Tapos ginawa ko na yung first livestream.


“Kabadong kabado ako kasi ayoko talaga na nag-la-livestream kasi bilang artista, ang dami na kagad mag-ko-comment sa ‘yo na, ‘Artista lang ang pangit hindi marunong maglaro.’ Tapos grandmaster lang naman ako at hindi ako magaling at inaamin ko naman yun pero kasi kilala ko ang mga tao sa FB, kahit simpleng bagay pagtatawanan ka nila,” she relayed.

READ: Andrea Brillantes shares her worst experience with social media: ‘Sobrang nahirapan na ako nun’

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

 

Despite the bashers, Andrea admitted she was also surprised when her stream racked up almost half a million views.

“Tapos ito yung malala, in-expect ko lang aabot ng 20k, 30k highest tapos stressed na ako kasi nung second part nag-lag ako the whole time. Tapos nung natapos na, pagkatingin ko ng views, umabot ako ng 470k plus and sobrang thankful ako, nagpapasalamat ako sa lahat ng tao. Ang hindi ko lang in-e-expect at feeling ko hindi ko deserve yun kasi hindi naman talaga ako player. Tapos ang pagkakamali ko tumingin ako sa comments tapos ang dami nilang sinabi tapos tumakbo lang ako sa mama ko tapos umiyak ako, as in umiiyak ako the whole time. Feeling ko napahiya ako. Nahihiya talaga ako,” she added.

READ: Francine Diaz on why she ignores her bashers: ‘Hindi naman ako perfect’

 

 

Francine, on the other hand, said she is not as active on social media as her fellow Gold Squad members, only choosing to post promotion about her work and the Gold Squad. The 17-year-old actress revealed their experience after being victimized by the cancel culture online.

“I think kasi mas kami yung nakikita nila sa social media, sa mga fan pages, fan accounts. Tapos pagka hindi nila kami nagugustuhan ang dami nilang hate comments agad. Gumagawa sila ng kuwento, gumagawa sila ng image na hindi naman talaga kami yun. Parati nilang ginagawa yun sa amin kahit wala kaming alam. Wala kaming ginagawa sa kanila pero kina-cancel nila kami ng wala kaming alam at wala kaming ginagawang masama sa kanila.

“Sana mabawasan yung ganun and matigil kasi tao rin naman kaming mga artista. Meron kaming nararamdaman. Hindi kami porke’t laging naka-smile sa camera wala na kaming pinagdadaanan or wala na kaming nararamdaman na sakit. Sana mas ma-spread yung respect and love sa lahat, sa buong mundo,” she said.