• Home
  • Fresh Scoops
  • Walang sa intensyon ni Vice Ganda na maka-offend tuwing magkakaroon siya ng concerts.

Vice Ganda nagka-idea kina Daniel Padilla, Regine Velasquez, at Sarah Geronimo kung paano gumawa ng digital concert

Walang sa intensyon ni Vice Ganda na maka-offend tuwing magkakaroon siya ng concerts.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/21/2021 10:52 AM
Vice Ganda nagka-idea kina Daniel Padilla, Regine Velasquez, at Sarah Geronimo kung paano gumawa ng digital concert
Photo Credit: @praybeytbenjamin Instagram

Walang intensyon ni Vice Ganda na maka-offend ng audience tuwing magkakaroon siya ng concerts. Kaya winarningan na niya ang audience ng kanyang Gandemic: The VG-tal Concert na huwag maging balat sibuyas sa mga pakakawalan niyang jokes sa July 17.

“Maraming tao na hindi naman talaga sila na-offend, hindi lang talaga sila busy. Hahaha! Maraming tao na, totoo ba na-offend ka o na-affect ka lang? Kasi tutok ka at wala kang ginagawa. So, triggered yung mga tao dahil mataas yung mga emosyon ng lahat dahil nasa bahay lang tayo, hindi tayo busy.

“Tapos alam natin sa utak natin na may pangit na nangyayari sa paligid natin kaya may negative thoughts. So, sa ngayon hindi mo na talaga alam kung anong nakaka-offend at hindi nakaka-offend, anong tama at hindi tama, di ba?


“Kahit wala ka ngang sinasabi people will get offended, and people will force you to say something. Pag nagsalita ka naman mao-offend pa rin sila, so wala na siyang gauge talaga kung ano ba talaga yung nakaka-offend at hindi nakaka-offend,” simulang pahayag ni Vice sa PUSH.

“Kaya ako, might as well, I will just rely on my judgment. Kasi yung judgment ng ibang tao hindi ko na alam yon. Kung ano sa tingin ko yung okey, eh, di yon. Kung ano sa tingin ko yung fun, di don tayo sa fun since this is my concert, di ba?

“I will give you my own brand of comedy, my brand of materials, my brand of content, so if okay kayo do’n, if you are willing to experience my brand of comedy then watch my concert,” sabi pa ng It’s Showtime host sa kung anong dapat asahan ng audience sa Gandemic concert.

READ: Vice Ganda, aminadong kinalawang bilang performer simula nung mag-pandemic

Paano ba nabuo ang kanyang kauna-unahang digital concert?

Tugon ni Vice, “Yung Viva talaga ang nag-decide na ituloy siya this year. Originally, May 1 pa nga dapat yung concert, pero dahil nga pabagu-bago yung rules ng IATF hindi kami talaga makapagbuo ng event kung paano kasi iba-iba yung protocols, so yung May naging June tapos yung June naging July. So, hopefully hindi na siya maantala at matuloy na siya ngayong July.”

Ayon pa kay Vice, pinanood niya ang mga digital concerts ng ibang artists para makakuha siya ng idea kung paano gumawa ng digital concert.

“Talagang pinanood ko yung mga recent concerts ni Daniel (Padilla), ni Regine (Velasquez), ni Sarah (Geronimo), kasi wala akong idea how this digital concert happens,” kuwento niya.

Dugtong ni Vice, “Wala akong idea kung paano ginagawa itong mga digital concert, ano bang dating niya, ano bang itsura niya, so may conscious effort talaga akong manood at bantayan yung ganap para may idea ako.”

READ: Vice Ganda, ayaw makipagsapalaran sa paggawa ng pelikula ngayong panahon ng pandemya

Ipinagmalaki rin ni Vice na kakaiba ang show niya kumpara sa ibang artists na nagkaroon na ng digital concerts.

“Ang difference niya, kasi nga hindi naman ako super singer talaga, ang bentahe nitong concert ko—musical siya, may mga kanta, may mga sayaw—pero ang 90 percent niya is comedy. At yon ang hindi kini-cater ng ibang concert or events ng karamihan kasi mostly di ba they are singers.

“Ang ibibigay ko dito ay yung strength ko na super patawa at yung ang gusto kong i-make sure talaga. Sabi ko, kailangan grabeng patawa ito dahil ito yung kailangan nila, eh. I will make sure na sobrang nakakatawa itong gagawin namin,” proud niyang pahayag.

Ibinahagi rin ni Vice Ganda kung ano ang kanyang ginagawa para mapanatiling maayos ang kanyang mental health sa kabila ng dinaranas na pandemya ng bansa for more than a year now.

“I avoid too much toxic stuff especially online. Hindi katulad dati na talagang tutok na tutok ako online, basa ka nang basa ng mga ganap sa Twitter, Instagram, Facebook. As much as possible binawasan ko yon, siguro mga 5 percent na lang ang ini-indulge kong time sa social media.

“Kasi nakakadagdag siya ng lungkot, ng pain, ng worries, ng fears, so binawasan ko yon. Ang dinagdagan ko ay yung time na mag-spend don sa mga tao at mga bagay na makakapagpasaya sa akin. Tapos hindi ako bumibitaw sa hope na everything will be alright very soon.

“And everyday as I pray, nagte-thank you na agad ako kay Lord, ina-acknowledge ko agad na alam kong inaayos na Niya ito at alam kong mae-experience ko na agad yung ganda ng buhay very soon. Ina-anticipate ko na siya at kini-claim ko na agad.

“Pag may negative naman akong nararamdaman I deal with it. I don’t hide, when there are time that I am sad, I cry. Hindi ko siya dini-deny. Pag malungkot, malungkot tapos sinasabi ko sa mga kaibigan ko, sa mga malalapit sa akin. Even in Showtime I share my emotions.

“Kasi parang yon yung healthy, eh, kasi pag dinenay mo yung totoong emosyon mo, dinedenay mo lang siya for a time pero babalikan mo rin naman siya. Pag malungkot ako gagawa ako ng paraan para maging masaya ako,” tuluy-tuloy na pahayag ni Vice Ganda sa PUSH.