• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Garcia talks about the challenges of being a first-time mom.

Sunshine Garcia opens up breastfeeding experience: ‘Nagkaroon ako ng mastitis’

Sunshine Garcia talks about the challenges of being a first-time mom.

BY
Gary Ann Lastrilla

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

05/21/2021 03:56 PM
Sunshine Garcia opens up breastfeeding experience: ‘Nagkaroon ako ng mastitis’
Photo Credit: @sunshine_garcia Instagram

Celebrity mom Sunshine Garcia-Castro opened up about her breastfeeding experience and revealed her bout with mastitis or the inflammation of the breast tissue in an episode of the online show PUSH Bets Live.

Discussing how she deals with stress and frustrations as a wife and a mom, Sunshine recalled her breastfeeding woe after she gave birth via Caesarean delivery to her son Axel.  


“Alam mo nangyari sa’kin ‘yan, ‘nung pinanganak ko si Axel kasi ‘dun ‘yung time na hirap na hirap ako dahil na-CS kasi ako eh. Tapos nabigla ako, ‘yung parang ‘yung puyat mo. Si Axel kasi ‘yung tipo ng bata na hindi siya nagpapababa. As in literal na ‘pag binaba mo siya, alam niya, iiyak siya. Ayaw niya. So 24/7 karga namin siya. ‘Yung tulog ko, parang isang oras lang tapos gigisingin nila ako kasi kailangan maglatch ‘nung bata tapos patutulugin nila ulit ako. After 30 minutes, gigisingin ka nila,” she began.  

“Tapos may time na, I’m sorry ah, para at least din alam ng ibang mga mommies. Nagkaroon ako ng mastitis, ‘yung namaga ‘yung parang ano [breast] ko. Nagkaroon siya ng abscess ba ‘yun, parang gano’n. Pero no choice ako kasi kailangan ko pa rin magpalatch kung saan ‘yung area na ‘yun. So ‘pag hinahawakan niya pa lang ng gano’n, umiiyak na ako. Kasi sabi ko, sobrang sakit. Sabi ko, ang gusto ko lang naman, mabigyan siya ng milk pero ang hirap sabi ko. Para akong na-aano no’n, ‘yung konti na lang, maaaning ba ako? Kasi umiiyak na ako tapos hindi ko na alam kung anong gagawin sa kanya, pero ‘pag umiyak siya, kailangan mo siyang kargahin. ‘Yung lang ‘yung time na talagang sabi ko, medyo na-stress ako kasi may gusto kang ibigay sa anak mo pero ‘yung katawan mo, hindi kaya, nagsusuffer pero pinipilit mo, parang gano’n.”

 

 

When asked how she was able to overcome and handle the situation, Sunshine owed it to her family for being supportive and understanding.

“Alam mo ang pinakamaganda lang talaga meron akong asawang very supportive. Sobra. Pati ‘yung pamilya namin na nandidito sa bahay, sobrang supportive kasi kasama rin namin sina mommy at daddy. So, kumbaga si mommy ‘yung sumasalo ng, ‘’Wag mo munang intindihin ‘yung sa bahay, ang intindihin mo lang muna is ‘yung sarili mo at saka si Axel,’ parang gano’n. So sila ang umiintindi ‘nung lahat na ‘yun, ‘nung time na ‘yun.”

She was also all praises for her husband, actor-politician Alex Castro, who is always by her side. “Pati si Alex [Castro, her husband], ‘pag alam niya ‘yung pagod na ‘ko or ‘yung alam niyang ‘yung parang minsan napipikon ka na, nandidiyan siya para magsupport sa’yo na, ‘Okay lang ‘yan, wife.’ Sabi niya, ‘Para sa baby natin,’ ‘yung mga gano’n. Bibigyan ka pa rin niya ng lakas ng loob. ‘Yung love na ibibigay niya sa’yo, sobra-sobra.”

 

 

When asked about the best part of being a mother and a wife, Sunshine said that while having your own family is already the best part itself, she takes pride in having a complete one. She said, “Best part 'yung nagkaroon ka ng sarili mong pamilya, pero siguro ang pinaka-best part dito ‘yung buo kami.

“At alam kong maipagmamalaki ko sa buong mundo na legit. ‘Yung kumbaga, hindi ako itinatago, hindi itinatago ‘yung anak ko, hindi ko rin siya itinatago. Kumbaga, ito kaming pamilya, buo kami. Ang best part pa rito, alam kong ‘yung suporta ‘nung asawa mo sa inyo, kayo ‘yung priority. At meron kayong mga pangarap na sabay-sabay niyong tutuparin. At hindi lang ‘yung mga gusto niyang mangyari ‘yung nasusunod, kumbaga, tinitreat niya ako as a queen talaga.

“Mayroon kaming respeto sa isa’t isa. So iyon ‘yung pinaka-best part na sasabihin kong buo ‘yung pamilya ko. At kaya kong ipagmalaki, kaya kong i-front, kaya kong i-post na ito ‘yung pamilya ko at alam kong maipagmamalaki ko ‘tong pamilyang ito,” she concluded.

 

 

Watch Sunshine Garcia share stories of motherhood, family, entrepreneurship and life after SexBomb Girls in this episode of PUSH Bets Live.