• Home
  • Fresh Scoops
  • Nasorpresa ang aktor na si Jake Ejercito nang makatanggap siya ng video message mula sa anak na si Ellie sa ‘Magandang Buhay; nitong Miyerkules, Mayo 20.

Jake Ejercito nakatanggap ng sorpresang mensahe mula sa anak na si Ellie

Nasorpresa ang aktor na si Jake Ejercito nang makatanggap siya ng video message mula sa anak na si Ellie sa ‘Magandang Buhay; nitong Miyerkules, Mayo 20.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/21/2021 08:57 AM
Jake Ejercito nakatanggap ng sorpresang mensahe mula sa anak na si Ellie
Photo Credit: @andieigengirl Instagram

Nasorpresa ang aktor na si Jake Ejercito nang makatanggap siya ng video message mula sa anak na si Ellie sa Magandang Buhay nitong Miyerkules, Mayo 20. 

Sa kaniyang maikli pero madamdaming mensahe, pinasalamatan ni Ellie ang kaniyang ama sa lahat ng ginagawa nito para sa kaniya. 

"Hi, daddy. Thank you for everything. Thank you for giving me things, and I love you so much," ani Ellie.


Ayon kay Jake, hindi niya inaasahan ang video message mula sa anak dahil sobrang mahiyain umano nito. 

"Ano yun, ah. Big deal yun for her. Kasi sobrang mahiyain siya, eh, and that's why I'm really surprised na may ganiyan," sabi ni Jake. 

Nang matanong naman kung ano ang mensahe na gusto niyang iparating kay Ellie, sabi ng aktor: "I just want her to know that she's unique, she's special in her own way. And that she's capable of doing anything she wants in life. Dito lang ako to support her. I'll do anything for her. She'll always have me."

Sa programa, nagkuwento rin si Jake kung paano nagbago ang kaniyang buhay simula noong ipinanganak si Ellie, na anak niya sa aktres na si Andi Eigenmann. 

BASAHIN: Jake Ejercito reveals why he didn’t join showbiz right away: ‘I prioritized my daughter’

"Nung we found out na pinanganak na si Ellie, talagang mahirap kasi I was only 21. So medyo bata pa 'di ba. But yeah it changed my life completely, talagang 180 degrees," kuwento ni Jake.

"I guess the biggest adjustment was yung hindi na lang sarili ko ang iniisip ko. Because obviously I had another human being, another soul to take care of, to nurture as well. So I made Ellie the center of my life, and then parang everything else had to adjust. Ang saya, ang ganda lang, and it's fulfilling to be a witness of it all," patuloy pa niya.

Bukod dito ay ibinahagi rin ni Jake kung paano nabago ng pandemya ang bonding nila ni Ellie.

"Ayun na nga po, kasi right before the pandemic, doon pa lang kami nag-start mag-travel abroad or kahit locally, out of town. So nung tumama na yung pandemic, medyo nahirapan ako kasi siyempre sa bahay lang, indoors lang. So na-challenge talaga ako to be creative na mag-isip ng bagong activities everyday. Kasi at her age, siyempre madaling magsawa, madaling ma-bore. So talagang challenging nga yung lockdown," aniya.

Bumisita si Jake sa Magandang Buhay upang anyayahan ang mga manonood na suportahan ang kaniyang bagong palabas na Marry Me, Marry You, kung saan makakasama niya sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.