• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkuwento si Tootsie Guevarra sa ‘Magandang Buhay’ tungkol sa kanyang buhay-Amerika at sa lubos niyang pagka-miss sa showbiz.

Tootsie Guevara, inaming nami-miss ang showbiz

Nagkuwento si Tootsie Guevarra sa ‘Magandang Buhay’ tungkol sa kanyang buhay-Amerika at sa lubos niyang pagka-miss sa showbiz.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

05/20/2021 11:39 AM
Tootsie Guevara, inaming nami-miss ang showbiz

Sa bihirang pagkakataon, nagpakita ang dating mang-aawit na si Tootsie Guevarra sa Magandang Buhay kung saan nagkuwento siya tungkol sa kanyang buhay-Amerika at sa lubos niyang pagka-miss sa showbiz. 

Sa pamamagitan ng Zoom nitong Miyerkules, Mayo 19, ibinahagi ni Tootsie na kasalukuyang siyang nasa California ngayon kasama ang kaniyang asawa at dalawang anak.


"We are actually here in our vacation home sa Big Bear, California. I'm happily married to an Italian man. Dalawa 'yung anak ko—15 years old 'yung panganay ko, 'yung pangalawa ko naman, seven years old," aniya.

Nang matanong kung ano ang kaniyang nami-miss sa Pilipinas, inamin ni Tootsie na isa na ang showbiz dito.

"Marami. My relatives, Pasko, New Year. Iba kasi diyan 'yung holidays, eh. Kayo. Siyempre 'yung showbiz, nami-miss ko. You know a lot of people here are asking‚—maraming Pilipino rito lalo na sa industry, sa trabaho ko kasi I'm in health care. Almost everyday they ask me, my co-workers, ang sinasabi nila, paano mo na-give up 'yun and all that. So nami-miss ko kayong lahat diyan," sabi niya.

Gayunpaman, iginiit ni Tootsie na masayang masaya siya sa kaniyang buhay ngayon.

"But I'm very happy here. Awa ng Diyos stable na ako. So talagang pagpunta ko rito nung 2004, 'yun talaga 'yung finocus ko na maging settled ako rito financially tsaka maayos lahat, so buti naman," kuwento niya.

Nang matanong naman kung mayroon bang pag-asang bumalik siya sa bansa at maglabas ng bagong awitin, sinabi ni Tootsie na hindi niya isinasara ang kaniyang pinto rito.

"Alam mo hindi malayong mangyari 'yan. Hindi mo masasabi ang future, hindi ba? Kung tatanggapin niyo ako, bakit hindi? I mean hindi mo talaga masasabi ang future. Siyempre kung gusto niyo pa rin ako at kung may pagkakataon, bakit naman hindi? You'll just never know. For me I don't close doors, it's all open," aniya.

Si Tootsie ang nagpasikat ng mga awiting "Sa Puso Ko", Kaba", "Pasulyap-Sulyap", at "Nang Dahil sa Pag-Ibig". 

Huli siyang naglabas ng awitin noong 2018. Pinamagatan itong "Iisa Lang", na inilabas sa ilalim ng record label ng beteranong composer na si Vehnee Saturno.