• Home
  • Fresh Scoops
  • Kinumpirma ni Jennica Garcia na naghiwalay na sila ng kanyang asawa na si Alwyn Uytingco matapos ang anim na taong pagsasama.

Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, kumpirmadong hiwalay na

Kinumpirma ni Jennica Garcia na naghiwalay na sila ng kanyang asawa na si Alwyn Uytingco matapos ang anim na taong pagsasama.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/20/2021 08:57 PM
Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, kumpirmadong hiwalay na
Photo credit: @alwynzky IG

Naghiwalay na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco matapos ang higit anim na taong pagsasama bilang mag-asawa. 

 

 

Kinumpirma ng aktres sa isang eklusibong panayam sa GMA Entertainment na hiwalay na sila ng “Tanging Ina” star.  

Pagbabahagi ni Jennica, kinailangan niyang bumalik sa showbiz matapos ang walong taong pamamahinga dahil sa mga pinansyal na problema. 

“From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made,” ani Jennica. 

Jennica Garcia calls out netizen mocking her: ‘Malakas ang loob mo dahil hindi nakikita ang mukha mo’

Tumanggi naman siya na magbigay ng pahayag nang tanungin kung ano ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan. 

"That's the most that I could say right now. It's the reason din kasi talaga kung bakit kinailangan [ko] bumalik sa pag-a-artista," ani Jennica.

 

 

Taong 2014 nang ikasal sina Alwyn at Jennica. Biniyayaan sila ng dalawang anak. 

Sa taong din iyon na unang napanood si Jennica sa ABS-CBN sa pamamagitan ng legal drama na “Ipaglaban Mo.”

 

 

Napanood din ito sa mga serye gaya ng “Magpahanggang Wakas,” “Wildflower," at “Nang Ngumiti Ang Langit.” 

Samantala, si Alwyn naman ay unang nakilala bilang isang child actor sa ABS-CBN series na “!Oka Tokat.” Napanood din ito sa iba’t-ibang pelikula ng Kapamilya network gaya ng “Magandang Hatinggabi,” “Ang Tanging Ina,” at “The Hows of Us.”

Si Jennica ay anak ng beteranang aktres na si Jean Garcia.