• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa pa rin si Pia Wurtzbach sa mga paboritong Miss Universe.

‘Back up your files’: Pia Wurtzbach, may payo kay Andrea Meza

Isa pa rin si Pia Wurtzbach sa mga paboritong Miss Universe.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/20/2021 06:39 PM
‘Back up your files’: Pia Wurtzbach, may payo kay Andrea Meza
Photo Credit: @piawurtzbach and @missuniverse Instagram

Matapos ang kaniyang reign noong 2015 as Miss Universe, wala pa rin kupas ang charm ng ikatlong pinay Miss Universe na si Pia Wurtzbach na hataw pa rin sa sunod sunod na product endorsement.

Kaya naman, bilang isa sa mga well-loved Miss Universe title holders, isang payo ang ibinigay ni Pia para sa naging pambato ng bansa na si Rabiya Mateo para sa katatapos lang na Miss Universe pageant.

READ: Rabiya Mateo, hindi pinalad sa Miss Universe


“Sabi ko sa kaniya, ‘Take your time, because masakit naman talaga,’” kuwento ni Pia sa naganap na launch ng kaniyang bagong endorsement sa Dr. Coco Natural hand wash kung saan siya ang bagong brand ambassador.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

 

Patuloy ni Pia sa naging pag-uusap anila ni Rabiya: “I know how much she worked hard for it, so I said to take your time, everything you feel right now is totally normal we’re all here for you and you’re not going to do this alone. We’re here to support you and I’m sure, you will have a career waiting for you here in the Philippines.”

Para pa kay Pia, na kay Rabiya ang katangian ng isang role model para sa nakakarami.

“She’s very down to earth, she’s very relatable, she’s very funny. And I myself hindi ako nag-da-doubt. She’s already a big star and I know that mas lalo pa siyang sisikat, and more people will (be interested) to get to know her, and people going to love her and opportunities are coming her way,” papuri ni Pia para kay Rabiya.

Bukod sa magagandang mga salita para kay Rabiya, naniniwala rin si Pia na all girls are deserving para sa Miss Universe title kabilang na rito si Andrea Meza ng Mexico na kinoronahan bilang Miss Universe.

Sa parehong panayam, isang payo rin ang iniwan ni Pia para sa kaniyang bagong Miss Universe sister na si Andrea.

RELATED ARTICLE: Get to know Miss Mexico Andrea Meza, the new Miss Universe

 

 

“My advice is always the same for all the new winners. ‘Back up your files,’” mariin na sambit ni Pia na sinundan ng matamis na tawa. “I haven’t meet her in person, although nakapag message na kami on social media privately. I’m excited to meet her in person.”

“Many people may tell her ‘Live the moment’ but what I told her in my private message to her was back up your files. Because I actually lost a lot of my pictures halfway through my reign because I didn’t back up my files and I’ll never get those pictures and memories back,” paliwanag ni Pia.

Sundot pa ni Pia, “Real advice, girl! Invest in a nice camera, back up your files and the memories will stay forever,” masayang pahayag ni Pia.

Taong 2015 nang nasungkit ni Pia ang Miss Universe title matapos ang 42 na taon na huling nakuha ng Pilipinas noong 1973.

Sa ngayon, isa si Pia sa most followed and well-loved beauty queens sa social media.