• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa lamang si Iyah Mina sa mga hindi nagdalawang isip na gumawa ng paraan para makatulong.

Iyah Mina, ibinahagi ang inspirasyon sa kanyang bersyon ng community pantry

Isa lamang si Iyah Mina sa mga hindi nagdalawang isip na gumawa ng paraan para makatulong.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/02/2021 09:43 AM
Iyah Mina, ibinahagi ang inspirasyon sa kanyang bersyon ng community pantry
Photo credit: @iyah_mina Instagram

Kasama ang kaniyang malalapit na kaibigan, isang hangarin ng pagtulong ang sinimulan ng actress and stand-up comedienne na si Iyah Mina.

Sa inspirasyon ng Maginhawa community pantry na sinimulan ni Ana Patricia Non, gumawa na rin si Iyah at kaniyang mga kabarangay ng kanilang bersyon ng community pantry.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Iyah Mina (@iyah_mina)


Sa ulat ng Cinema News home edition, ikinuwento ni Iyah kung paano nila naisipan na simulan ang pagtulong sa kanilang mga kabarangay na tinawag nilang “Team Project Gr8”.

READ: Kier Legaspi, gumawa ng bersyon ng community pantry

“Nag start to actually kaming magkakaibigan, pinag-uuspan lang namin sa group chat namin kaming magbabarkada and then ‘yung isang friend ko na aliw siya doon sa initiative ng Maginhawa pantry and then sabi ko, ‘Bakit hindi natin simulan? Start natin,’” bungad na kuwento ni Iyah.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Iyah Mina (@iyah_mina)

Patuloy niya: “So nag start lang kami nang kami kami lang po and ayun na nga hindi naman sa ano, parang gusto lang naming tumulong rin ‘yung parang sobra na kasi na nasa loob kami ng bahay, ‘yung wala kaming ginagawa. Gusto sana namin may magawa so naisip naming na tumulong na rin dito sa mga kabarangay namin.”

READ: ‘Pantry Sisters’: Paolo Ballesteros at Pokwang, kapit-bisig sa pagtulong

Ayon pa kay Iyah, hindi nila inasahan na ang simpleng effort at ambagan nila na nagsimula sa anim na libong piso, ay lalago dahil na rin sa hangarin ng iba na makatulong.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Iyah Mina (@iyah_mina)

“Yung grupo namin na team compound, dahil nakatira lang kami sa isang compound. Nagsimula kami sa tig iisang libo, hanggang sa nakalikom kami ng 6 thousand to 7 thousand, and then napag-usapan naming na bakit hindi nga naming i-post baka may gusto pang mag-help. Tas’ ayun na nga, sa isang araw, naka-likom na kami ng 100,000 yes one hundred thousand agad-agad in 24 hours lang ‘yon, and then, ayun na nga sinimulan na namin, mas marami nang dumarating na mga in kind, mga bigas, gulay tapos gumawa kami ng page and then nag-ost kami, tapos pinaalam namin sa barangay na mayroon nga kaming community pantry,” aniya.

READ: Angel Locsin puts up own community pantry to celebrate 36th birthday

Marami man hadlang at pag-iingat ngayon sa panahon ng pandemya ng COVID-19, sinigurado ni Iyah at ng Team Project Gr8 na mapapanatili nila ang seguridad ng mga kabarangay.

“May konting kaba, siyempre dahil puwedeng ma-isyu. Bakit kami nagpapa-punta ng tao, baka magka-covid pa and like that. Siyempre andon kami yung organized namin na grou. Mayroong taga tingin sa pila, nililinyahan naming lahat, andon kami nakabantay para sa social distancing. Ang masarap yung feeling na marami pa ring tao na in need pa rin marami pa rin ang kailangan ng tulong hindi pa rin sapat ‘yung kumikita, pero ‘yung ganun tulong napakalaking bagay na ‘yun para sa isang araw na nila ‘yon,” ani Iyah.

Para pa kay Iyah, ibang ligaya rin para sa kaniya ang ginagawang pagtulong sa simpleng ambag na kanilang maibabahagi.

“Hangga’t meron mag dodo-nate diri-direcho po kaming tutulong hanggang mayroon pong gusto magbigay ng in kind, bigas o kung kung ano man something, diri-direcho po kaming tutulong” pahayag ni Iyah.

Bukod sa Team Project Gr8 ni Iyah, ilang personaliad na rin ang gumawa ng kanilang bersyon ng community pantry tulad nina Pokwang, Kier Legaspi, at Angel Locsin.