• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi pa rin makapaniwala si DJ Loonyo na nagawa niyang maipatayo ng bahay ang kanyang ina at mabigyan ito ng sariling negosyo sa loob ng isang taon. 

DJ Loonyo, nakapagpatayo ng bahay para sa kanyang ina; binigyan ito ng sariling negosyo

Hindi pa rin makapaniwala si DJ Loonyo na nagawa niyang maipatayo ng bahay ang kanyang ina at mabigyan ito ng sariling negosyo sa loob ng isang taon. 

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/02/2021 08:15 PM
DJ Loonyo, nakapagpatayo ng bahay para sa kanyang ina; binigyan ito ng sariling negosyo
Photo Credit: @DJ Loonyo on Facebook

Masaya ang social media sensation na si Rhemuel Lunio o mas kilala bilang DJ Loonyo na naisakatuparan niya ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng bahay para sa kanyang ina at mabigyan ito ng sariling negosyo.  

 

 

Sa isang mahabang post sa Facebook, ibinahagi ni DJ Loonyo ang kwento sa likod ng kanyang pangingibang-bansa na aniya’y dulot ng kahirapan ng buhay sa Pinas.  

Bagama’t hindi mayaman, sinabi ni DJ Loonyo na napalaki sila ng maayos ng kanilang ina na nagtrabaho bilang isang midwife.  

Simula nung nag-China ako, aside sa mga pansarili kong PANGARAP, nag-decide ako na unahin ang pangarap ng pamilya ko. HINDI PO KAMI MAYAMAN, at pinalaki kami ng butihin at napakabait kong MAMA sa sariling kayod as MIDWIFE,” kwento niya.  

Read: PUSH X LIFESTYLE: TikTok hottie DJ Loonyo reveals fitness journey  

Kwento ni DJ Loonyo, nawalan sila ng bahay matapos gumastos ng malaki para sa pagpapagamot sa kanyang ama.  

Nung nagkasakit ang papa ko at ngayo’y nasa kamay na ni AMA, nawalan kami ng bahay dahil sa gastos sa pagpapagamot at bayad sa utang. From then, nangupahan kami at patuloy na kumayod ang mama ko para lang mapag-aral kami.” 

 

 

  Kaya naman nang magkaroon ng sapat na ipon dahil sa kanyang mga dance videos, agad na nag-ipon ng pera si Loonyo upang makabili ng sariling lupa.  

Eto yung naging hugot ko last year at sa awa ng DIYOS, biniyayaan niya ako ng platform at responsibilidad as DJ LOONYO na nagbigay tuwa at saya simula last year dahil sa mga dance challenges na ginawa ko sa China.” 

Dagdag pa niya: “Nagkaroon ng maraming biyaya at ito’y inipon ko para makabili ng Lupa at makapagpatayo ng Bahay para sa pamilya ko. Talagang trabaho kung trabaho kahit nagkakasakit at patuloy pa din sa pangangarap.”  

Read:DJ Loonyo takes on the ‘Totropahin o Jojowain Challenge’ | Push Bets Highlights

Nang makaipon, pinagretiro na ni Loonyo ang kanyang ina sa pagtatrabaho at nagdesisyon na bigyan ito ng sariling negosyo.  

Nung natapos ang bahay at nakabili ng lupa na pwedeng tirhan ng angkan namin balang araw, back story pala, pina-retire ko si mama sa trabaho nung ako’y nasa China dahil ayaw ko na magtrabaho siya sa edad nya ngayon, gusto ko nagrerelax nalang siya at panahon na para ispoil naman sya sa lahat ng gusto nya,” aniya. 

Pagpapatuloy pa niya: “Ngayon, Sabi ko gagawa ako ng business para sa pamilya ko, at NAGPAPASALAMAT AKO SOBRA KASE ANDUN ANG KUYA KO para i-manage at talagang tulungan ako sa business na yun. Dahil pina-retire ko si mama, pinagdasal ko na bigyan sila ng business para dun na makukuha lahat ng mga gastusin at iba pa.”  

 

 

Nagbigay din ng mensahe si DJ Loonyo para sa kanyang ina tinawag niyang inspirasyon niya.  

PARA KAY MAMA - Ma, eto na Maliit man ngayon pero naniniwala ako na lalaki at dadami pa to balang araw. Know that mahal na mahal kita ma at IKAW ANG ISA SA MGA PINAKAMATIBAY NA INSPIRASYON KO,” saad niya.  

Samantala, nag-iwan din si Loonyo ng mensahe para sa mga kagaya niyang patuloy na nangangarap.  

PATULOY TAYONG MANGARAP, PAGTIBAYIN ANG PANINIWALA AT PANANAMPALATAYA SA DIYOS. MADILIM MAN ANG DAAN PERO HINDING HINDI NIYA TAYO PABABAYAAN. NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA,” ani Loonyo.